Life! Music

Jay R super proud kay EZ Mil, lalong nabuhayan ng pag-asa: I wanna be the true King of R&B ng Pilipinas and make it global!

EZ Mil

Jay R at si EZ Mil

RAMDAM ang pagiging proud ng tinaguriang King of R&B na si Jay R sa kapwa-music artist na si EZ Mil.

Katulad din kasi niya, isa ring Filipino-American ang binata kaya naman proud na proud siya sa latest milestone nito sa music career.

Magugunita noong nakaraang buwan lamang ay pumirma si EZ sa tatlong music label ng rap legends na sina Eminem at Dr. Dre – ang Aftermath, Shady Records, at Interscope.

Kabilang sa naging record deal ng Pinoy rapper ay ang album na may collaboration kasama ang dalawang iconic rappers.

Kwento ni Eminem, na-discover nila si EZ dahil sa music video nito na “Up Down (Step & Walk)” na inilabas noong Pebrero.

Anyway, sinabi nga ni Jay R na naging inspirasyon niya ang binata upang lalo pang pagbutihin pagdating sa international music scene.

“Shout out to EZ Mil! So proud of you!” masayang pagbanggit ng singer matapos tanungin sa naganap na press conference para sa upcoming reunion concert nila ng Queen of R&B na si Kyla.

Sey pa niya, “You know, it only gives me inspiration just to keep going kasi we can do it.”

“It’s proof already with EZ Mil. And you know, I’m still dreaming and I feel I can still do it also,” patuloy niya.

Pakiramdam din daw niya, ito na ang simula upang makilala ang galing ng Pinoy sa musika at pagkanta.

“So we’re gonna keep going and I’m gonna make the Philippines proud. I wanna be the true King of R&B ng Pilipinas and make it global,” sambit niya.

Dagdag pa niya, “I really want to inspire others to really go for their dreams and know that they can do it. Kasi we can! We can do it, you know. K-Pop is there, J-Pop is there, I really feel like Filipinos are next.”

Ibinunyag din ng R&B singer na bago pa man pumirma ng kontrata si EZ sa dalawang sikat na music artists ay matagal na niya itong inaayang makipag-collaborate sa kanya.

“Even before he was signed to Shady Aftermath, I was already contacting him for collaboration,” pagbubunyag niya.

Ilan din sa mga nais niyang makatrabaho ay ang P-Pop girl group na G22, P-Pop sensation na SB19, OPM singer na si Arthur Nery at marami pang iba.

Ani pa ni Jay R sa mga nabanggit na music artists, “I love to see them rise and go their own lane and do their thing.”

Samantala, makalipas ang dalawang taon sa Amerika ay muling nagbabalik sa ating bansa si Jay R.

Kasalukuyan niyang pinaghahandaan ang nalalapit na reunion concert nila ni Kyla na magaganap sa New Frontier Theatre sa Cubao, Quezon City sa September 2.

Mabibili ang tickets ng “Back In Time: Kyla and Jay R The Reunion Concert” sa Ticketnet Online at sa lahat ng Ticketnet outlets nationwide.

READ MORE:

NHCP corrects EZ Mil’s controversial ‘Panalo’ lyrics

TAGS: entertainment, music
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.