Life! Showbitz

Jennica Garcia naniniwala pa rin sa true love at kasal kahit nawasak ang relasyon kay Alwyn Uytingco, mas magiging choosy na sa lalaki

Jennica Garcia

Janine Gutierrez, Christian Bables at Jennica Garcia

 

MAS magiging “choosy” na ngayon ang Kapamilya actress na si Jennica Garcia pagdating sa pagpili ng bagong lalaking mamahalin.

Sa dami ng pinagdaanan niyang pagsubok sa buhay, lalo na sa isyu ng pakikipagrelasyon, hindi lang basta partner ang kailangan niya kundi isa ring kaibigan at katuwang sa pagpapamilya.

Ayon kay Jennica, sa kabila ng pagkabigo sa pag-ibig at sa pagkawasak ng marriage nila ni Alwyn Uytingco, ay naniniwala pa rin si Jennica sa kasal.

“I do, of course! I do believe in marriage. But to be honest, it’s something that I do not see myself doing it again, sa ngayon,” pahayag ng aktres na kinumpirma ring inaayos na nila ng estranged husband ang annulment ng kanilang kasal.
“Hindi po natin alam baka magbago sa susunod, pero sa ngayon, hindi ko po talaga ma-imagine. Kasi po pag iniisip ko ang marriage, parang magtitiwala ulit ako nang buong-buo sa isang tao, ibibigay ko uli yung sarili ko.

“Hindi ko po kasi alam kung kaya ko pa pong i-survive yung next blow of heartbreak,” aniya pa.

Inamin ni Jennica na isa siyang “duwag, sobrang submissive, at minsan ay uto-uto” noon, pero ibang-iba na raw siya ngayon matapos mapagtagumpayan ang pagmu-move on at ang kanyang healing journey.

Sa tanong kay Jennica kung paano niya ia-apply ang mga natutunan niya in the past kapag dumating na ang bagong lalaki sa kanyang buhay.

“Alam n’yo po kasi, mahirap na talaga akong ma-in love ngayon, patatlong taon na tayong single.

“Pero habang patagal nang patagal parang mas, kasi, siyempre, natututo ka na, marunong ka nga manood ng sine mag-isa, kumain mag-isa, tapos you feed yourself. And not just that, you also feed others.

“Yung parang kaya ko na po yung…sana po hindi mayabang yung dating niya. So pakiramdam ko po, pag may dadating na bago, I can very much differentiate a red flag from a green flag now,” sabi pa ng nanay nina Mori at Alessi.

Dugtong pa ni Jennica, “Yung parang nagkakaroon ka na kasi ng kumpiyansa sa, nagkakaroon na po ako ng kumpiyansa sa sarili ko na parang, ‘Jennica in fairness sa iyo,’ yung parang ganu’n.
“May mga ganu’n na akong moments. So pakiramdam ko po, yung bagong pag-ibig o para mahulog yung loob ko sa iba, dapat talaga magaling po siya, kasi paano iyan, magaling na rin ako,” at tumawa si Jennica,” sey ng aktres.

Tungkol naman sa kanyang healing journey, “Talagang ginapang ko po kasi yung healing ko, e, parang pag iniisip ko natutuwa din po ako na ang layo na po ng naitawid ko sa sarili ko, most especially with my mental battles.”

Pagpapatuloy pa ni Jennica, “When I say that I don’t want to awaken love, I don’t want to look for it, I don’t want to date anyone at the moment exclusively.

“It’s because I feel that if I’m gonna date just one person, I feel that mabilis na namang mahulog yung loob ko. And it’s really difficult to date right now, because I have two kids.

“And so when I’m dating, kailangan titingnan mo siya hindi lang siya parang good partner for you, but would he make a good father also to my children. So, sa larangan na yun, baka 2025 pa po tayo. Pero sa ngayon parang medyo wala pa po,” natatawang chika pa ng anak ni Jean Garcia.

READ MORE:

Jennica Garcia gets candid about her weakness in love: ‘Medyo uto-uto po tayo!’

Jennica Garcia confirms ongoing annulment with Alwyn Uytingco

TAGS: Celebrities, entertainment, showbiz, TV
Latest Stories
Most Read