Showbitz

Ellen Adarna umamin na nagpa-botox ng ilong pero hindi raw nagparetoke

Ellen Adarna

Ellen Adarna

HANGGANG ngayon ay iniintriga pa rin ng mga netizens ang dating sexy star na si Ellen Adarna tungkol sa isyu ng pagpaparetoke.

May mga naniniwala pa rin kasi na retokada raw ang wifey ni Derek Ramsay, partikular na ang kanyang ilong na super tangos at halos perfect ang shape bukod pa sa pagpapalaki niya noon ng boobs.

Kaya naman sa “Ask Me A Question” session sa kanyang Instagram stories, sinagot ni Ellen ang ilan sa mga controversial questions ng kanyang mga followers.

Diretsahang tinanong ng netizen si Ellen ng, “I saw some vid kase sa YT nag-nose botox ka pala akala ko natural ang nose mo.”

Sa kanyang video, ipinagdiinan ng aktres na never siyang sumailalim sa kahit anong surgery o medical procedure para iparetoke ang kanyang ilong. Pero inamin niyang nagpa-botox siya noon.

“Yes, I had my nose botoxed before when I was still active in showbiz,” paglilinaw ni Ellen.

Ito’y para na rin daw sa trabaho niya bilang artista dahil may mga eksenang kailangan niyang umiiyak at dahil sa botox ay nababawasan daw ang paglaki ng butas ng kanyang ilong.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin sa itsura ngayon ni Tekla: ‘Yung pagiging unprofessional nanggagaling sa bisyo ‘yan…

“What nose botox does sa nose, it doesn’t make your nose flare like this,” ani Ellen habang minumuwestra ang paglaki at pagliit ng butas ng ilong.

“And when I was still active, of course, you’re in front of the camera, it’s for the close-ups when you cry. So, that’s the reason why I had it done,” paliwanag pa ni Ellen.

After this, hindi na raw niya inulit ang pagpapa-nose botox, “I swear on Elias’ life that my nose has never been under the knife, no cuts whatsoever. That is my natural nose.”

Esplika pa ni Ellen habang ibinabalandra ang ilong sa harap ng camera, hindi naman daw permanente ang epekto ng nose botox sa isang taong nagpaserbisyo nito.

“This is my natural nose. Botox is not permanent and I haven’t done it in a long time. So, my nose is back to… it can flare again,” sey pa ni Ellen.

RELATED CHIKA:

Ellen Adarna on begging for someone: Unsa ka, iro?

Ellen Adarna hindi humihingi ng pera kay Derek Ramsay: I wasn’t raised like that

 

 

 

TAGS: botox, Ellen Adarna
Latest Stories
Most Read