Life! Showbitz

KC nagpasalamat sa pagmamahal ni Kiko, umiwas lang daw sa kanegahan: ‘I unfollowed, but I will never unlove’

KC Kiko

Frankie Pangilinan, KC Concepcion, Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta

“I REALIZE po na life is short, sayang po kung aaksayahin natin ang time with negativity,” sey ni KC Concepcion hinggil sa isyu sa pagitan niya at ng pamilya ng kanyang inang si Sharon Cuneta.

Muling nagsalita ang aktres at negosyante sa kontrobersyang kinasasangkutan niya kaugnay ng pag-unfollow niya sa mag-amang Kiko at Frankie Pangilinan sa Instagram.

Patuloy na pinag-uusapan sa apat na sulok ng kashowbizan ang umano’y away ng magkapatid kung saan nadamay na nga umano pati ang nanay niyang si Sharon at stepdad niyang si Kiko.

Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon binasa ang ipinadalang statement ni KC na ipinadala niya mismo sa host ng programa na si Tito Boy.

“I have learned my place in people’s lives, and out of respect, I will not overplay my part.

“I am forever grateful to have experienced the love of a father through the experience of having a stepfather since I was 12 years old.

“I’m sure hindi din po perfect ang journey niya, but I know he’s trying his best,” ang mensahe ni KC.

Mag-focus sa sarili

Naniniwala rin daw ang dalaga na naging mabuti naman siyang anak na tunay na nagmamahal at nagpapahalaga sa kanyang pamilya pero aniya, mas gusto muna niyang mag-focus sa sarili niyang kaligayahan.

“I realize po na life is short, sayang po kung aksayahin natin ang time with negativity. I just want the family to be happy, and also myself to be happy.

“Yes, I unfollowed on social media platform—but I will not unfollow the lessons I have learned growing up into the woman I am today. I unfollowed, but I will never unlove,” pahayag pa ng dalaga.

Personal na problema

Feeling din ni KC, darating at darating ang tamang panahon na malapagpasan nila ang mga pinagdaraanang personal na problema at isyu sa pamilya.

“Family is family. Don’t worry, naniniwala naman po ako na we have enough love to overcome this.

“I have faith na somehow God will bring us all to a happy place, one day,” dagdag pang paniniguro ni KC.

Matatandaang nagsimula ang hindi pagkakaunawaan sa pamilya nina Sharon at KC nang magbigay ng reaksyon ang huli tungkol sa nararamdaman niya tungkol sa reunion concert ng ina niyang si Mega at tatay na si Gabby Concepcion.

“Kung excited kayo, eh di lalo naman ako! Sobrang happy ko to be back in Manila for this very special reunion concert!” aniya.

RELATED STORIES

KC Concepcion on unfollowing stepdad Kiko Pangilinan, sister Frankie on Instagram: I just want peace of mind

KC Concepcion no longer follows stepdad Kiko Pangilinan, sister Frankie on Instagram

 

TAGS: entertainment, family, KC Concepcion, Kiko Pangilinan, showbiz
Latest Stories
Most Read