Showbitz

Ogie Diaz na-bad trip kay SexBomb Izzy: ‘Mas kasalanan sa Diyos ‘yang kaipokritahan mo!’

Ogie Diaz Izzy

Ogie Diaz, Izzy Trazona-Aragon at Andrei o Sofia

UMAANI ng batikos mula sa netizens, media practitioners at vloggers ang dating miyembro ng SexBomb Dancers na si Izzy Trazona-Aragon dahil hindi nito tanggap ang pagiging drag artist ng panganay na si Andrei Trazona o Sofia.

Obviously kabilang si Drei sa LGBTQIA+ community at naglitanya ang nanay nitong si Izzy sa kanyang Facebook account kahapon na inalmahan ng mga nakabasa.

Ang kilalang talent manager, content creator at TV host na si Ogie Diaz ay nagbigay ng kanyang opinyon sa pahayag ni Izzy tungkol sa anak.

Aniya, “Teka lang naman dito kay SexBomb Izzy at sa draq queen na anak nitong si Andrei, ha? Sasawsaw lang ako nang slight.

“Nu’ng una, tanggap mong bakla ang anak mo. Ipinagmamalaki mo ngang dalaga na ang anak mo, eh. Tapos ngayon, me nagpa-realize lang sa ‘yo na parang kasalanan ang maging bakla, wini-wish mo na sana ay magising sa katotohanan ang anak mo?”

Baka Bet Mo: Drag Queen Andrei Trazona naglabas ng sama ng loob kay SexBomb Izzy: ‘I love you so much mom but this isn’t healthy for me anymore’

Tinawag din ni Ogie si Izzy ng ipokrita, “I think, mas kasalanan sa Diyos ‘yang kaipokritahan mo. Tinanggap mo nu’ng una, tapos ngayon, babawiin mo? Laban-laban, bawi-bawi? Mas hahangaan pa kita kung sa una pa lang, consistent ka nang ayaw mong maging bakla anak mo. Pinanindigan mo.

“So masisisi ba natin ‘yung bata kung magsabi siya na hindi na healthy kung magsasama pa kayong mag-ina?” litany ni Ogie Diaz.

“Juice ko, kahit maging pusa o sirena pa yang anak mo someday, anak mo ‘yan, tanggapin mo. May purpose ang existence niya sa mundo, hayaan mong hanapin niya. At tanggapin mo ang anak mo kung hindi naman nanghahamak o nang-aapi ng kapwa.

“As long as hindi naman siya gumagawa ng illegal, hindi sakit ng lipunan habang happy naman siya sa kanyang mga ginagawa, eh, payagan mo na.

“Anong gusto mo? Tunay na barako, pero addict? Maging barakong ama someday ‘yang anak mo, pero iresponsable at anak lang nang anak? Maging barakong pulitiko ‘yung anak mo, pero corrupt?” sabi pa ng talent manager.

At siyempre hindi nawala ang pagkakomedyante ni Ogie, “Juice ko, ‘yung pangalan mo nga, baklang-bakla, me narinig ka ba sa amin? (laughing out loud emoji).”

Samantala, inamin ni Drei na nagsinungaling siya noong una siyang makapanayam na nagpapasalamat siya at suportado siya ng kanyang ina para pagtakpan pero nanay na niya ang naglabas ng lahat kaya binawi rin niya ito kahapon by resposting her mother’s post.

Ang caption ni Andrei o Sofia, “I LIED IN AN INTERVIEW that she supports for what I am and for what I do just to protect her from any backlash but there’s no point in protecting her because the truth came out straight from her…

“As much as I love you, you know that I don’t wanna live in a lie. I’m sustaining myself for years now and I am living responsibly honest. I’m tired of this conversation about me being gay and doing drag. I wanna end this argument by saying that “I wanna live my own truth and someday you will be proud of what I will become.”

“I love you so much mom but this isn’t healthy for me anymore. I hope someday you will understand how it feels to be in my shoes. I miss you but you’re not bringing me any comfort and compassion I deserve.”

Maraming nag-share sa post na ito ni Drei at nagkomento na halos iisa ang sinasabi, “sending my virtual hugs,” “mahigpit na yakap,” “I love you and proud of you,” “keep going.”

Nagprisinta ang netizen na si @Aliya Parcs na puwede siyang maging nanay nito, “Dear Drei, if you are looking for a new mom, I’m here for you with full support and acceptance. Be kind to yourself and to others. You can be whoever you are meant to be!”

Ipinagtanggol naman ng netizen na si @Marilyn Toledo ang dating SexBomb Dancer na Izzy, “I feel you Miss Izzy. That is a true mother’s love. I salute you for being so brave to stand for the truth. Don’t mind what other’s will say against you. At the end of the day, we will face God and He will judge us.”

Related Chika:

Anak ni Sexbomb Izzy super proud drag queen: ‘Wala siyang judgment kahit anong pagpapa-sexy ko! Get! Get! Aw!’

73-anyos na lola na mala-SexBomb Dancer hataw kung hataw sa mga TikTok video; wish makita nang personal si Willie Revillame

 

TAGS: Drag, Izzy Trazona, Ogie Diaz
Latest Stories
Most Read