Life! Showbitz

Vice Ganda: ‘Hindi ko na masukat ang yaman ko ngayon’

HINDI na masukat o mabilang ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda ang kanyang “kayamanan” ngayon.

Diretsahang tinanong ni George Royeca, ang presidente at CEO ng isang ride hailing and delivery app, ang TV host-comedian kung gaano na ba siya ka-rich makalipas ang ilang taong pagtatrabaho.

Sumalang si Vice sa unang episode ng vlog series na “PasaHero” at dito nga niya sinagot ang ilang maiintrigang tanong tungkol sa kanyang personal life at showbiz career.

Isa nga sa mga ibinatong question sa kanya ay tungkol sa pag-aari niyang kayamanan. Sey ng komedyante, hindi na niya masukat kung gaano siya kayaman ngayon.

READ MORE: Rendon Labador: ‘This is the end of Vice Ganda’s era!’

Actually, ang sabi ni Vice napakahirap daw talagang sagutin ng nasabing tanong, “Depende siguro kung saan mo sinusukat ‘yong kayamanan na tinutukoy.

“Hindi ko alam, pero hindi ko na masukat ang yaman ko ngayon,” pagbabahagi ng veteran comedian.
Pagpapatuloy pa niya, “Sama-sama na ‘yung tinutukoy na yaman ko, ha. Yaman ng pananalapi, yaman ng kaligayahan sa puso, yaman ng mga naabot na rin na mga pangarap.

“Yaman ng mga taong nakapaligid sa akin. So kung susumahin ko, kapag pinagsama-sama ko ‘yun, hindi ko na alam kung gaano siya kalaki, pero alam kong mayaman na ako,” paliwanag ni Vice.

READ MORE: Vice Ganda, Ion Perez sinampahan ng kasong kriminal ng ‘social media broadcasters’ dahil sa ‘pagsubo ng icing’

Naikuwento rin ng partner ni Ion Perez na may style siya kung paano nakakaipon, lalo na noong nagsisimula pa lamang siya bilang singer sa pinagtatrabahuang comedy bar.

Chika ni Vice, hindi raw niya kinukuha ang mismong talent fee niya dahil ang ginagastos niya sa pang-araw-araw ay ang natatanggap niyang tip mula sa mga customers.

Hanggang sa dumating yung araw na nawala ang kanyang boses at hindi nakakanta ng ilang buwan. Dito na siya nagdesisyong maging stand-up comedian.
Kasunod nito, nagtagumpay nga siya sa nasabing larangan at kinilala pa nga bilang “Queen of Comedy Bars.” At makalipas lamang ang ilang taon, pinasok na rin niya ang mundo ng showbiz at muling nagtagumpay.

Hindi raw talaga na-imagine ni Vice Ganda na sisikat siya nang bonggang-bongga dahil ang gusto lang daw niya noon ay kumita para mabigyan ng magandang buhay ang sarili at ang kanyang pamilya.

 

TAGS: Celebrities, showbiz, TV
Latest Stories
Most Read