Showbitz

John Lloyd may inamin tungkol sa kanila ni Bea

John Lloyd Bea Alonzo

Bea Alonzo at John Lloyd Cruz

HINDI sa isip ni John Lloyd Cruz ang magkaroon sila ng romantic relationship ng kaibigan at ka-loveteam na si Bea Alonzo.

In fairness, noong kasagsagan ng kasikatan ng tambalan nina John Lloyd at Bea ay talagang marami ang nagpalagay na naging magdyowa sila sa totoong buhay.

Super effective naman kasi ang kanilang tandem kaya halos lahat ng fans nila ay umaasang sila rin ang magkakatuluyan sa huli.

Sa guesting ni Lloydie kamakailan sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay natanong siya kung naisip niyang maging dyowa si Bea tulad ng gustong mangyari ng kanilang supporters.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo may inamin tungkol kay John Lloyd Cruz…paano nga kaya kung nag-date sila, ano kaya ang nangyari?

Ayon kay John Lloyd, totoong nailang siya sa idea na magkaroon sila ni Bea ng relasyon.

“Para akong nagsisinungaling kung sasabihin kong kahit isang beses hindi ako nailang doon sa gusto ng tao at hindi siya sumagi sa isip ko,” sagot ni John Lloyd kay Tito Boy.

“Pero as people, ‘yung kaming dalawa ni Bea, bilang part ng build namin…isa ‘yun sa mga pinaka-fascinated din ako, doon sa kung paano namin siya hinandle nang hindi namin pinag-uusapan. Never naming pinag-usapan ‘yun eh,” pagpapatuloy niya.

Baka Bet Mo: Reunion movie nina Bea at John Lloyd imposible pang mangyari: ‘Even if I say yes if he doesn’t like to do that project hindi siya matutuloy’

Bigla naman siyang nag-dialogue ng, “Pero siguro titigil na akong magsalita bago pa ako…” ang biting sey ni Lloydie.

“Kami ni Bea, laging hindi mawawala ‘yung bitter-sweet, ‘yung nostalgic na pagka nagkikita kayo, lalo na kapag hindi inaasahan. Hindi mo siya made-deny na nag-e-exist kahit sa hangin.

“Hindi siguro mawawala ‘yung ganu’ng pakiramdam. And ‘yung lagi mong hangad na sana okay siya, ‘yung pamilya niya, especially ang nanay niya,” paglalarawan pa ni John Lloyd sa friendship nila ng aktres.

Ito naman ang message niya ngayong engaged na si Bea kay Dominic Roque, “Gusto kong mag-enjoy siya, gusto kong maging masayang masaya siya sa bagong yugto na pinapasok niya.

“Kasi mula noon kilala ko na siya, hanggang ngayon. Gusto ko lang maging masaya ‘yung isang taong napakabuti hindi lang sa akin.

“Napakabuting tao niya sa maraming tao sa industriya, napakabuti niya sa maraming staff, sa mga production na naging bahagi ng mga buhay namin. At higit sa lahat napakabuti niya sa pamilya,” papuri niya sa dalaga.

Dugtong ni John Lloyd, “Ngayon gusto niyang bumuo ng sariling pamilya, sigurado ‘yun din ang magma-manifest sa binubuo niya. I’m really happy for Bea.”

Added Chika: 

LOOK: John Lloyd Cruz travels to Europe with Isabel Santos, her family

John Lloyd Cruz on Isabel Santos: She is my girlfriend

TAGS: Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, loveteam
Latest Stories
Most Read