Janine Gutierrez pumasok sa showbiz para maipagamot ang yaya: She’s a cancer survivor at second mommy ko na talaga siya’
NANG dahil sa kanyang yaya na may karamdaman, mas na-motivate si Janine Gutierrez na pasukin na rin ang mundo ng showbiz tulad ng kanyang mga magulang na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.
Rebelasyon ng Kapamilya actress, isa sa rason kung bakit nagdesisyon siyang mag-artista para maipagamot ang kanyang yaya na nag-alaga sa kanya mula pa noong siya ay ipanganak.
Abot-langit ang pasasalamat ng dalaga kay Yaya Pat Espera dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit nito sa kanilang pamilya sa loob ng mahabang panahon. Hindi rin daw matatawaran ang loyalty nito.
Nasorpresa si Janine nang umapir si Pat sa “Magandang Buhay” nang mag-guest siya sa isang episode ng nasabing programa. Dito sinabi ng aktres na pangalawang nanay na ang turing niya rito.
Pahayag ng Kapamilya star, “Si Yaya po kasi hindi pa ako pinapanganak siya na po ‘yung yaya ko. So talagang second mommy ko talaga si Yaya. Tapos nu’ng nag-aaral ako tinuturuan niya ako ng homework. Regalo niya sa akin mga dictionary.”
View this post on Instagram
Pagpapatuloy pa niya, “Kahit siyempre may mga times na mahirap ang buhay, hindi kami iniwan ni yaya.
“Actually mahiyain talaga ako. Hindi ko naman inisip na mag-aartista ako, pero nu’ng college ako, si yaya ay nagkasakit. Tapos parang hindi ako makatulong.
“So sabi ko sa mommy ko, ‘Ma gusto ko na mag-artista para may panggamot si yaya,” pagbabahagi ng rumored girlfriend ni Paulo Avelino.
Kuwento pa ni Janine, cancer survivor ang kanyang Yaya Pat.
View this post on Instagram
Ayon naman kay Yaya Pat, nang malamang meron siyang cancer, ang unang inalala niya ay si Janine at ang mga kapatid ng aktres.
“Alam mo nu’ng sinabing cancer, sa doctor hindi ako umiiyak. Pero paglabas ko du’n sa pasilyo ng St. Lukes, umiiyak ako naisip ko kawawa naman ‘yung mga alaga ko baka kapag may ibang mag-alaga ano baka sigawan, baka apihin,” paliwanag ni Yaya Pat.
Ibinahagi rin niya na bata pa lang ay talagang sweet at thoughtful na si Janine, “Tuwing pagdating galing school, kahit hindi ko birthday, paggising, sabi niya, ‘I love you, Yaya. You’re the best yaya in the world,’ lahat sila.”
Palagi rin daw niyang sinasabi kina Janine, “Sabi ko sa kanila, hanggang ako ‘yung nag-aalaga sa inyo, gusto ko makatapos kayo ng pag-aaral kasi kung hindi kayo makatapos ng pag-aaral ibig sabihin hindi ako magaling na yaya.”
Matatandaang sinabi ni Janine sa isang panayam na bata pa lang ay marami na ang nagsasabing papasukin din niya ang showbiz kahit pa nagdadalawang-isip siya noon.
“I have to admit talagang sobrang privilege ko bilang anak ng artista. Kasi bata pa lang ako, tinatanong na ako kailan ka maga-artista? Hindi tinatanong kung gusto mo ba.
“Ang tanong is kailan. So talagang may advantage so tinry ko na lang talaga na maging deserving ako na talagang manatili,” aniya.
Noong nagsisimula pa lang si Janine sa showbiz talagang humarap din siya sa mga challenges kahit pa nagmula siya sa showbiz family.
“When I was starting talaga, there were years na wala akong trabaho, wala akong teleseryes. May time rin na naisip ko baka nagkamali ako na nag-artista ako baka dapat nag-foreign service na lang ako, magtrabaho na lang ako (nakatapos siya ng European Studies in International Business).
‘”Yung unang lead ko dapat na teleserye, akala ko sa akin na. Tapos nakita ko na lang ‘yung commercial ibang babae na. Hindi ako natawagan. Masakit talaga,” sabi pa ng lead actress ng Kapamilya series na “Dirty Linen” kasama si Zanjoe Marudo.
RELATED STORIES
Ivana Alawi, Liza Soberano, Janine Gutierrez among ‘100 Most Beautiful Faces’ of 2022
Janine Gutierrez: Charming old Soul
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.