Showbitz

Angeline niregaluhan ng motor at kotse ang dating dyowa: OK lang naman kasi mahal ko….

By: - July 06, 2021

DIRETSAHANG inamin ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto na nagregalo na siya noon ng motor at kotse sa dati niyang boyfriend.

Ayon sa dalaga, nais lamang niyang magpakatotoo sa madlang pipol lalo na sa kanyang mga tagasuporta, ayaw daw niyang magsinungaling sa mga ito.

Game na game na sumabak si Angeline sa “Lagot o Sagot” challenge na mapapanood sa latest vlog niya sa YouTube at dito nga niya sinagot ang ilang tanong about her lovelife.

Sa nasabing game, kailangang uminom si Angeline ng alak kapag tumanggi siyang sagutin ang mga  itatanong sa kanya.

Isa sa mga naitanong sa dalaga ay kung may dyowa ba siya noon na nangutang sa kanya. Sabi ni Angeline, talaga naman daw matulungin siyang tao.

“Ang dami ko kasing pinautang. Kasi nagugulat ako kahit hindi naman sila nangungutang parang alam nila kung nasaan ang wallet ko. Parang derecho na.

“Nakasanayan na nila. Kasi alam niyo naman ako, ‘di ba? Mapagbigay ako na tao. Sabi ko nga sa inyo, hangga’t may maibibigay akong tulong,” pahayag ni Angeline.

Aniya pa, talaga raw gumagastos din siya para sa kanyang boyfriend, “Eh, siyempre kapag dyowa ko pa. Kapag dyowa niyo, mahal ninyo. So, ‘yun, halimbawa mayroon akong 3,000 pesos sa isang araw.

“Kapag kasama ko siya, kapag uwi ko 200 na lang. Pero okay lang. Kasi mahal ko. Basta ganu’n. Hindi na siya nagpapaalam. Kuha na lang siya ng kuha. Pero hinahayaan ko eh,” sey ni Angeline.

Kasunod nito, nabanggit nga niya na nakapagbigay na rin siya ng motor at kotse sa isa sa mga naging boyfriend niya noon.

“Binigyan ko pa nga ng motor, eh. Ano ba ‘yan ang dami kong nasasagot dito!

“Pero hindi. Totoo, nakapagbigay ako ng motor, ng sasakyan tsaka alam niyo ‘di ko ‘to sinasagot. Si Tito Boy Abunda hindi ’to tinatanong. Kayo lang.

“Pero totoo naman? Bakit ko naman hindi sasabihin sa inyo? ‘Yun lang. Share ko lang. Nakabigay ako ng motor at kotse,” chika ng biriterang singer.

Hindi rin niya itinanggi na may pagkakataon din na nakipag-date siya sa isang mamahaling restaurant pero siya ang pinagbayad ng kasama niyang guy.

“May worst date ako na naranasan kasi alam mo ‘yung ang saya-saya namin nagpunta ron. Tapos order ako.

“Eh, mukhang mamahalin ‘yung restaurant. Kinumusta niya ako ‘Musta ka?’ Siyempre share-share ako ng buhay ko.

“Tapos nu’ng dumating ‘yung waiter, titinginan kami ‘Sino magbabayad?’ Tapos ako nagbayad,” natatawang sey pa ni Angeline.

Latest Stories
Most Read