Celebrities

John Prats sumakay sa dump truck para makapag-report sa Showtime

PINOST ni John Prats ang video sa IG account niya na nakasakay siya sa dump truck na naka-white shirt at short palabas ng village nila na hindi binanggit kung saan.

Ang caption ni Pratty, “Hello madlang pipol Eto po ang transpo ko papuntang ABS-CBN. Napaka importante kasi ng araw na to. Dahil mamaya na ang MADLANG PI-POLL! Para sa inyo gagawin namin ang lahat! In the service of the Filipino people! Forever kapamilya:). Kitakits mamaya sa @itsshowtimena!

“P.S. Salamat sa dad ko, pinahiram nya ako ng dump truck.”

Ipinakita rin ng aktor-direktor ang daang tinatahak nila palabas ng village na hanggang beywang ang tubig baha kaya delikado talagang maglakad dahil sa leptospirosis.

Kuwento pa ni John, “sobrang importante ng araw na ito dahil launch ng Madlang Pi-poll segment kaya naman kailangan kong pumunta ng ABS kahit ang lakas ng ulan dahil nga sa bagyo sumakay ako sa dump truck.

“At ito ang pinagdadaanan ko, kawawa ‘yung ibang mga Kapamilya natin kaya kapag may nakakasalubong ako na palabas, e, isinasabay ko na rin sila palabas dahil mas kaya ng dump truck na makalabas dito village namin. Stay safe everyone!”

Base naman sa narinig naming sabi ng driver ng dump truck na tila may kausap sa cellphone ay sa Katipunan daw nagpapahatid si John.

Wala pang sagot sa amin ang management company ni John kung siya na ba ang regular director ng “It’s Showtime”. Nagustuhan siya ng buong tropa nina Vice Ganda dahil ang ganda raw ngayon ng studio nila at pati stage na nakaka-sosyal at nakaka-happy lalo’t naglagay ng maraming LED monitor para makita rin sa show ang madlang pipol na nakatutok dito.

Oo nga, ang husay naman talaga ni Pratty bilang direktor na noong una ay kabado pa pero ngayon ay sisiw na lang sa kanya ang pagdi-direk.

Curious kami kung hinihingan din kaya siya ng suggestions ni Direk Coco Martin sa “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang isa si John sa cast nito?

TAGS: dump truck, John Prats, Showtime
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.