Celebrities

Cassy sa mga nanggo-ghosting: Bakit? Sabihin n’yo lang ‘I’m sorry, I’m not interested’

 Cassy

Cassy Legaspi. | Bandera photo

NAGBIGAY ng mensahe ang Kapuso young actress at TV host na si Cassy Legaspi sa mga taong nanggo-ghosting at nagiging biktima nito.

Ayon sa dalagang anak nina Carmina at Zoren Legaspi, hindi niya magets 9 mahanapan ng logic kung bakit may mga basta na lang nang-iiwan o nanggu-ghost sa kanilang mga partner.

Mas maganda na raw kasi yung magpakatotoo sa karelasyon mo kesa bigla ka na lang mawawala nang hindi nagpapaliwanag. Para kay Cassy, mas masakit daw yung ganu’ng klase ng break-up dahil walang closure.

“Sa mga boys who ghost sa mga girls, or vice versa, anyone who ghosts, bakit? Sabihin niyo lang na ‘I’m sorry, I’m not interested.’

“Ganu’n-ganu’n ka lang, tapos exit! Why do you have to exit na with no explanation? Ang sakit nu’n,” ang chika ni Cassy sa ginanap na virtual presscon para sa bago niyang endorsement na Palmolive shampoo.

May nagtanong kasi sa dalaga tungkol dito dahil malapit na ang tinatawag na Ghost Month (August 8 hanggang September 6). Pinaniniwalaang malas daw ang panahon na ito.

Sey pa ni Cassy, hindi pa niya nararanasan ang ma-ghosting dahil never pa siyang nagka-boyfriend, “I’ve never experienced it. Buti na lang kasi, oh my gosh! I would not know how to handle ghosting. Why?

“Yun lang tanong ko sa mga ghosters diyan: ‘Bakit?’ Don’t do that na,” aniya pa.

Samantala, nagkuwento rin si Cassy tungkol sa ginawa niyang shampoo commercial para sa Palmolive, ang unang TV ad niya na hindi ka-join ang kanyang pamilya.

“I think I grew up doing commercials already so it’s kind of like my second nature. I’ve been doing commercials since I was three years old so parang it’s kind of like going to school. It’s normal.

“But this recent shoot is really different because wala ‘yung family ko. Kahit ‘yung kapatid ko wala, it’s just me on my own. It was kind of weird na ako lang nagko-commercial. So it’s like, oh, interesting, I am on my own,” pagbabahagi ng young actress.

Aniya pa, “I was a little bit nervous but at the same time, my family was texting me that day saying na relax ka lang we’re so proud of you, just be yourself, have fun.

“So I got the encouragement I needed. So sabi ko, okay you’ve been doing this since you’re three years old, relax ka lang. I think I did okay. I think I did well,” sabi pa ng twin sister ni Mavy Legaspi

TAGS:
Latest Stories
Most Read
No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.