Life!

Dingdong proposed marriage twice to Marian

It almost sounds like a publicity stunt when practically out of nowhere and three church visits after her audition for the role, Marian Rivera Gracia danced and charmed her way to be the Kapuso Network’s “Marimar,” the Pinoy adaptation of the hit Mexicanovela.

Although Marian was just patiently waiting in the sides before the big break happened: playing bit parts (why, she would even play mother roles!) in the teleseryes that littered afternoon viewing, it only took one moment in time before she became a massive hit among the masses. Several hit teleseryes, movies, and endorsements after, the proud Caviteña is undeniably the Kapuso Network’s Primetime Queen. So when her real-life boyfriend of five years, actor Dingdong Dantes (who played Fernando Jose in the series) proposed marriage on national TV via her dance show, “Marian” last Saturday, sending her to tears, there were those who thought it was a “scripted” act. Marian, however, admits in earnest that she herself didn’t know what was about to happen that night.

Just last Monday, Marian was in Cebu to fulfill a mission. She opened an exhibit-auction of dresses she has worn over the years, proceeds of which will be used to buy another batch of boats for fisherfolk in Bantayan island who were affected by supertyphoon Yolanda. The completion of the project is Marian’s 30th birthday present for her supporters as well as the fulfillment of her promise, as she looks forward to doing more charitable work.

How does it feel to be engaged?
Una sa lahat, finally naisasabi na namin sa lahat ng tao. Sabi nga namin ni Dong na sasabihin namin ito sa tamang panahon, sa panahon ni God. Siyempre kasi, minsan sa showbiz lahat na lang nakabulantad ang buhay ng tao. May mga bagay kasi na siyempre pinag-planuhan, pinag-iisipan at hindi naman po biro ang salitang kasal. So at least nangyari po iyan sa “Marian,” sa mismong show ko na sobrang mahal na mahal ko. Marami akong natututunan at pinagsasalamatan sa show na iyan. So masarap sa pakiramdam na finally nasabi namin sa lahat ng nagmamahal na: Eto na! Finally engaged na kami.”

It’s your birthday and yet you’re the one giving a gift to people of Bantayan. What is your message to them?
Siguro isa sa pinasasalamat ko sa lola ko—‘yung pagpalaki niya sa akin—sinasabi niya sa akin na hangga’t may puwang na ma-extend mo ‘yung pagbibigay sa taong nangangailangan, gawin mo. Especially daw sa akin na artista na nakikilala ng tao. Iba kasi ang nagagawa ng artista din sa mga tao. Di lang ako, ngunit halos lahat ng artista kapag pumupunta sa probinsiya iba ’yung nararamdaman mo ‘eh. What more kung natutulungan mo pa sila sa kabuhayan nila. So, iyan ang ginagawa namin dito—ang Kapuso Adopt a Bangka project.


Dingdong said in an Inquirer interview that you don’t have details of the wedding yet although you have already chosen the church. What else can you share to us about the wedding?
Yes! Sige i-share ko nalang ‘yung nangyari sa “Marian.” Ganito talaga ang nangyari sa “Marian.” Alam ko na mag-a-announce si Dong na engaged na kami pero hindi ko alam na gagawin niya iyon sa pangalawang pagkakataon. Kaya nawindang ako na: Ay, eto pala ’yung mangyayari! Dahil sa Macau 2012 kasama niya pamilya niya, kapatid niya, tatay niya, nanay niya, mga pinsan niya. Kasi nag-celebrate kami ng birthday niya dun nung August 2. So, sabi niya gusto niya na gawin ito ng tama. Kasama ang parents ko, ang friends ko pati na ang fans namin so medyo na shock kasi hindi ko ini-expect na gagawin niya iyon sa pangalawang pagkakataon. Totoo po pala na mahaba ang hair ng babae! So, ‘yun po yung nararamdaman ko nung panahon na iyon. Kaya dun sa mga nagsasabi na scripted—scripted talaga para kay Dong. Kasi hindi naman niya pwedeng pabara-bara ang proposal. Pero ang lahat para sa akin ay surprise. Dumating nga sa punto na nagagalit ako sa Team Marian. Sinasabi ko: “Ano ba ang gagawin ko?” Sila naman: “Wag ka ng magtanong, sasayaw ka sa opening, sasayaw kayo ni Dong, i-interview-hin ka with your friends and family. ‘Yun lang ang alam mo!” Ako naman: “Ano ba talaga ang gagawin ko?” So, tinago talaga nila ng dalawang linggo. So, nakakatuwa talaga na nag-effort si Dong na masabi sa public in a right way—na eto na, engaged na kami at ikakasal na ako. At sa nagtatanong po tungkol sa singsing—magkaiba po. So, para malinaw po, sa inyo ko lang po ilinaw dahil sabi ng iba kinuha ba daw para gawin ulit? Hindi! Para malinaw, iba ang proposal sa Macau, iba ang sa studio. So, dalawa po ‘yung singsing.

So, you’ve been engaged for two years already?
Yes!

What was the first proposal like?
Nakakatuwa kasi dahil nung hindi pa naging kami mahilig akong mag drawing ng puro butterfly. Hanggang sa nagtagal ng nagtagal dahil hindi naman kami nagkasama, na-touch ako na naisip pa niya, na nag research pa siya na andun sa Macau ‘yung Butterfly Dome at dun pa siya nag propose para maging meaningful. Kaya nangingilabot ako. At saka medyo mangalngal kami nung una dahil marami siyang hindi nasabi sa akin, tsaka iyak ako nang iyak. Tsaka sabi niya: “Baby, you have to say something.” Di nga ako makapag yes dahil ngalngal ako nang ngalngal. So, marami siyang hindi nagawa nun, hindi siya nakaluhod. So, nakakataba ng puso. Sa babae iyan talaga ang hangad eh, ang yayain ka ng kasal ng taong pinakamamahal mo at makasama ka niya habang buhay.

What was his exact line?
It’s in my phone ‘eh pero parang … “32 na ako at gusto kitang makasama habang buhay, gusto kong maging tatay ng mga anak mo at gusto kong maging ikaw ang aking maging asawa … “ Pero mas bongga ang sinabi niya sa “Marian” kaya ngumalngal talaga ako.

Was it hard to keep the engagement a secret?
Hindi mahirap kasi bilang artista naniniwala ako na may mga bagay talaga na hindi lahat sa iyong buhay ay ibubulgar, lahat ng nangyari agad-agad sinasabi. Kailangan pinagpaplanuhan at ito ang pinakamahalaga para sa akin at alam ni Dingdong gaano ka importante sa akin ang  engagement at kasal.

But the wedding is happening this year, right?
Magbibigay ako ng detalye at mag pe-presscon po kami. Pero sigurado po ako—hindi matatapos ang buwan na ito at malalaman nyo po at magbibigay po kami ng detalye—simbahan, kailan,
petsa. (In a press- con in Manila last Friday, Dingdong and Marian announced that they’re getting married on Dec. 30 at the Immaculate Conception Church in Cubao, Quezon City. — Editor)

Who’s your maid of honor?
‘Yung dalawang best friend ko—Roxanne Barcelo at Ana Feleo.

What do you want to achieve as a single woman before you become Mrs. Dantes?
Alam niyo sa totoo lang… ayoko naman i-claim… ang tao kasi dapat hindi nauubusan ng pangarap. Ang taong walang pangarap ay walang buhay pero sa pagkakataong ito ang bait ng Diyos sa akin. Alam natin na medyo may pagkakataon na may down talaga, mga endorsement na iba ‘yung kinukuha at binigyan ako ng pagkakataon ni Lord na ibalik lahat at mas ibinigay pa niya ‘yung dating hindi ko pa naranasan—sa management ko, sa Triple A, sa mga commercial. Ang dami kong pinangarap na ma-endorse na hindi ko nakuha dati like Bench, Belo, na sabay-sabay nangyari sa buhay ko. So dun pa lang sabi ko, ayokong sabihin na wala na akong hihilingin pa pero sa pagka-kataong ito—overwhelmed talaga. Na napakabait ng Diyos sa akin na ibinigay pa niya na okey na ako sa  pamilya ko, okey ako with my fans, sa career ko, tapos ibinigay pa niya si Dong sa buhay ko kaya balanced lahat. Okey na ako.

In terms of your career, what do you think will change?
Bilang actress naniniwala ako na marami ang artista na nag-asawa like Judy Ann Santos na nung nagka-asawa siya mas naging hot pa siya at naging marami pa ang projects na ginawa pero siyempre bilang sarili ko ayokong bigyan ng limitasyon ang sarili ko pero kailangan meron na like for example—kissing scene, bed scene—ayoko na ang mga yan. Mahiya naman ako sa magiging asawa ko at anak ko. Pero a-acting pa rin ako.

What about photoshoots?
Oo naman. Hindi naman mawawala yan.

Sexy photoshoots?
Like, FHM? Ang FHM naman naniniwala ako na nakatrabaho ko sila at napakabait nila sa akin—pwede! Pero iba na ang konsepto, di na topless or ganito. May limitasyon pa rin at dapat presentable. At naniniwala naman ako sa dalawang cover na ginawa ko presentable naman siya.

Marian during the opening of the “Marian” exhibit at The Northwing of SM City Cebu (CDN PHOTO/ Dr. Francis Xavier Solis)

You gave up 30 of your memorable dresses for this auction to help the people of Bantayan Island affected by typhoon Yolanda. What’s next?
Kung matutupad namin ang 500 na bangka para sa mga pamilya ng Bantayan Island ibig sabihin mission accomplished na kami.  Pero hindi natatapos sa bangka ang advocacy namin. Meron pa kaming magagawa kaya hanggang buhay pa ako at makapagbigay ako ng inspirasyon sa ibang tao hindi ako titigil na magkaroon ng advocacy.

 

TAGS: banca, Bantayan, Cebu, Dingdong Dantes, engagement, exhibit, Marian Rivera, relationship
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.