Celebrities

Dominic bet nang magka-baby, Ryan nag-react: Woooooy! Teka muna!

BINISITA ng magkapatid na sina Dominic at Mark Anthony Roque ang mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa kanilang restaurant kung saan nag-guest rin ang mga ito sa live selling nina Juday at Ryan.

Close ang Roque brothers kina Juday dahil bestfriend nito ang tiyahin ng dalawa na si Beth Tamayo.

Panay rin ang mga shoutout ng tatlo sa mga viewers na kadalasan ay tungkol kay Dominic ang mga comments.

“Mine ko na po si Dominic,” sey ng isang netizen.

“Wooooy. Pumila ka,” biro naman ni Ryan.

“Teka, may magagalit,” singit naman ni Juday.

Maya-maya ay humirit si Dominic kung pwede mag-order ng laing dahil may nag-request daw sa kaniya.

“Sino? Sinong nagbilin?” tanong ni Juday.

“‘Yung codename sa ‘yo ni Kuya Ry. Si Kumander,” natatawang sagot ni Dom.

Ang kumander na tinutukoy ni Dom ay ang girlfriend nitong si Bea Alonzo.

Nag-shoutout rin si Mark sa kaniyang asawa at baby girl.

“Baby Claudia and Marian, good morning! Hiramin muna namin si Daddy Mark ah,” biro ni Ryan sa asawa’t anak ni Mark.

Dito nga ay naging topic ng tatlo si Claudia, ang cute na cute na unica hija ni Mark.

Kuwento ni Dominic, madalas raw na ka-Facetime niya ang pamangkin.

“Alam n’yo, ‘tong Roque brothers, sobrang hilig talaga nila sa mga bata,” sey ni Ryan.

“Gusto ko na nga rin eh,” sabi naman ni Dom.

Napa-react ang TV host-actor na si Ryan sabay sabing “Woooooy! Teka lang naman muna!!!”

Nagdiwang at kinilig naman ang BeaDom supporters sa nasabi ni Dominic.

Mukha kasing nagkakasundo ang timeline ng dalawa sa mga plano sa buhay at talaga namang road to forever na talaga

Matatandaan ring nagkaroon ng panayam si Bea sa komedyanang si Ethel kung saan inamin nito na gusto na rin niyang magkaroon ng baby.

Well, nasa right age naman na silang dalawa at mukha namang smooth sailing ang kanilang relasyon kaya di naman malabong mag-settle na ang dalawa.

At kung ‘yun man ang desisyon ng dalawa, siguradong uulan rin ng suporta ang mag-dyowa dahil marami ang nagmamahal sa kanila.

TAGS: baby, bea, dominic
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.