Showbitz

Cristy Fermin pinuri si Erich, never nagyabang kahit may dyowang bilyonaryo

Cristy Fermin pinuri si Erich, never nagyabang kahit may dyowang bilyonaryo

UMANI ng papuri ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales mula sa beteranang kolumnistang si Cristy Fermin.

Sa kanyang digital show na “Cristy Ferminute” kasama ang kanyang co-host na si Romel Chika, napag-usapan nila ang aktres matapos kumalat sa social media ang balitang nalalapit na kasal nito sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Ang non-showbiz boyfriend na tinutukoy ni ‘Nay Cristy ay si Mateo Lorenzo.

Labis ang paghanga ng kolumnista sa aktres dahil sa pagiging lowkey nito sa kanyang relasyon sa kabila ng pagiging bigatin ng kanyang nobyo.

“Ang maganda kay Erich, hindi siya maingay. Hindi niya ipinagyayabang na may boyfriend siyang anak ng bilyonaryo, ‘di ba?” saad ni ‘Nay Cristy.

Dagdag pa niya, “Hindi katulad ng iba dyan na gumaganda lang ang kotse ng boyfriend eh akala mo na kung sinong pina-fashion na sa buong bayan.”

READ: True ba, Erich Gonzales ikakasal na sa non-showbiz dyowa?

Naikuwento pa niya na mayroon daw noong nag-chika sa kanya na taga-airport patungkol sa isang mamahaling sasakyan na tila may inaantay at susunduin. Paglabas ay napag-alamang ang aktres nga ang inaantay at susunduin gamit ang mamahaling sasakyan.

“Si Erich tahimik. Ganu’n ang mga artista, kapag tahimik, nagkakatuluyan. O kita mo, si Erich tahimik. Syempre ayaw rin ng mga boyfriend, maglalantaran ng kanilang pagkatao sa publiko lalo pa nga buena familia na tulad niyong si Mateo,” sey pa ni ‘Nay Cristy.

Matatandaang nitong nagdaang linggo lamang nang muling umingay ang pangalan ng aktres matapos kumalat sa social media ang isang marriage banns kung saan makikita ang detalye ng kanilang nalalapit na kasal.

Base sa marriage banns, sa March 23, 2022 ikakasal ang dalawa na gaganapin sa St. James the Great Parish.

Samantala, pinatunayan ni Erich ang kanyang pagiging loyal Kapamilya nang pumirma siya kahapon sa nagdaang grand contract signing event ng ABS-CBN.

Unang pumasok sa mundo ng showbiz si Erich nang sumali at manalo ito sa “Star Circle Quest” noong 2005.

Huli siyang napanood sa teleseryeng “La Vida Lena” na katatapos lang umere ngayong Pebrero.

 

TAGS: bilyonaryo, Cebu Daily News, Cristy Fermin, Ericg Gonzales, Kasal, non-showbiz boyfriend
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.