Celebrities Entertainment

Angelica Panganiban buntis nga ba at naglilihi sa manggang hilaw?

Angela Panganiban | Angela Panganiban Instagram

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang aktres na si Angelica Panganiban matapos ito g magbahagi ng larawan ng manggang hilaw.

Ilang araw na rin kasing kumakalat ang chika kung buntis nga ba ang aktres matapos itong mawala sa mga casts ng upcoming sitcom na “My Papa Pi” kung saan si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang pumalit sa kanya.

Naging tikom naman ang bibig ng mga kasamahan ni Angelica sa show at kahit maging ang direktor na si Cathy Garcia-Molina ay walang sey ukol sa kumakalat na balita.

Wala rin namang inilalabas na pahayag so Angge kaya naman mas naging curious ang madlang pipol sa isyu.

Ngunit kahapon lang nang muli na namang mabuhay ang tsismis dahil sa ibinahaging larawan na green mangoes ni Angelica sa kanyang Instagram story.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)

Hinala ng mga “Marites” ay mukhang naglilihi na nga raw ang aktres dahil isa ang manggang hilaw sa mga madalas na cravings ng mga buntis.

Nananatili namang tahimik si Angge ukol sa isyu.

Pero kung true man ang chika na buntis siya, for sure naman sy suportado siya ng madlang pipol lalo na’t nasa tamang edad na rin naman si Angelica para bumuo ng sariling pamilya.

Bukod pa rito, halata naman na masaya ang aktres sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan at sa katunayan ay matagal na rin silang nagsasama kaya nga naka-base na rin ito sa Subic.

At kung true man ang chika, baka nag-aantay lang rin ng tamang tyempo si Angelica para ianunsyo ito sa mga netizens. Sigurado namang ibabahagi ito ni Angelica lalo na at matagal na rin niyang nababanggit na nasa stage na siya ng buhay niya na nais na rin niyang magka-anak.

Related Chika:
Angelica magiging nanay na raw, buntis na sa panganay nila ng non-showbiz dyowa?
Angelica Panganiban ayaw nang maniwala sa ‘kembak’: Kapag may history ng pambubudol, never again!

TAGS: angelica panganiban, Cebu Daily News, cebu news
Latest Stories
Most Read