Showbitz

Kit Thompson pinagmumura ng netizens; Ana Jalandoni pinayuhang huwag patatawarin ang dyowa

Kit Thompson at Ana Jalandoni

GALIT na galit kay Kit Thompson ang mga kaibigan at tagasuporta ni Ana Jalandoni dahil sa pambubugbog umano nito sa sexy actress.

Halos iisa ang kanilang komento sa dinanas ni Ana mula sa mga kamay ng hunk actor na pormal nang sinampahan ng pulisya ng mga kaukulang kaso — dapat lang daw na makulong at maparusahan ang may kasalanan.

Napag-alaman namin na hindi raw muna magpapa-interview ang girlfriend ni Kit sa media dahil ang priority ng kanyang pamilya ay ang pagpapagaling at pagpapalakas ng aktres.

Sa ngayon daw ay inihahanda na ng abogado ni Ana ang kanyang official statement kung saan ilalahad nito ang tunay na nangyari sa loob ng kuwartong tinuluyan nila sa Amega Hotel sa Tagaytay City nitong nagdaang March 17.

Kasunod nito, may mga kaibigan din si Ana na magpatingin muli sa ibang ospital upang masigurong wala siyang natamong matinding pinsala sa katawan.

Wala pa ring inilalabas na official statement si Kit hinggil sa pangyayari bukod sa naging pahayag ng kanyang talent management, ang Cornerstone Entertainment.

Hanggang ngayon ay puro pambabatikos ang natatanggap ng hunk actor mula sa netizens lalo pa’t nataon pa ang insidente sa selebrasyon ng National Women’s Month.

Sa Instagram account ni Kit ibinuhos ng ilang supporters ni Ana ang kanilang galit kasabay ng payo sa sexy star na huwag na huwag iuurong ang mga kasong isinampa  laban sa kanyang boyfriend.

Talagang pinagmumura pa siya ng mga tagapagtanggol ni Ana. Narito ang ilan sa hate comments ng netizens laban kay Kit.

“Kung totoo man na nambugbog ka ng girlfriend mo! Hayop ka!!!!”

“Grabe ka Kit kalalaki mong tao nananakit ka ng babae!!! Grabe ka. Tama lang na makulong ka.”

“Karma will hit you. Wala kang respect sa gf mo, hindi tama manakit ng babae.”

“Nambubugbog tong tao nato karma na bahala syo.”

“Gwapo Lang pero abusado. Nambubugbog ng babae? Ganon ba kababa ang worth mo at kailangan mo pang manakit ng babae at girlfriend mo pa. Kadiri ka.”

“Lakas ng loob mo halikan kamay ni Ana, na ang totoo binubugbog mo rin pala.”

“Sweet sweetan sa social media in real life nambugbogan pala.”

“Nax kiss now bugbog later. Gusto mo yooorrn? Sana maturuan ka talaga ng leksyon.”

Pero in fairness, kung may mga nagalit kay Kit meron din namang kumampi sa kanya at nagsabing huwag muna siyang husgahan nang bonggang-bongga dahil hindi pa naman niya ikinukuwento ang kanyang panig.

“Grabeng judgmental ng mga tao. Parang sila ang biktima. Hintayin muna natin ang paliwanag at side ni Kit bago nyo sya husgahan,” ang komento ng isang netizen.

RELATED STORIES

Kit Thompson balak nang pakasalan si Ana Jalandoni: Mahal na mahal niya yung girl, pero…

Police file complaint vs Kit Thompson for allegedly beating girlfriend

Ana Jalandoni on mauling incident: ‘When you love someone you will never ever harm them

TAGS: Ana Jalandoni, Cebu Daily News, Kit Thompson, Showbiz news, women's month
Latest Stories
Most Read