Celebrities

Maymay may bagong post kasama ang dyowa, netizens napa-‘sana all’

Maymay may bagong post kasama ang dyowa, netizens napa-'sana all'

HANGGANG ngayon ay mukhang hindi pa rin nasasanay ang mga netizens sa tuwing makikita ang post ng Kapamilya actress na si Maymay Entrata.

Sa latest Instagram post kasi nito ay nag-post ang aktres ng mga larawan niya at sa dulo nga ay makikita ang kanyang dyowa na tila busy sa pag-aayos sa harap ng computer.

“Maraming salamat @mtvasia na tinupad n’yo ang kahilingan kong maging parte ng MTV Jammin’! Isang malaking karangalan po,” saad ni Maymay.

Base sa pag-stalk namin sa kanyang post ay all out ang support ng kanyang dyowang si Aaron sa kanyan na abala sa pag-aayos ng kanyang connection at set-up sa trabaho.

Kapansin-pansin rin na kakaiba ang glow ng actress at mas lalo pa nga itong gumaganda.

Mukhang hiyang na hiyang sa kanya ang buhay niyo abroad at ang buhay may dyowa.

Umulan rin ng papuri ang comment section ng IG post ni Maymay.

“Ganda mo dzai!” comment ni Kim Chiu.

Reply ni Maymay, “migaaaaa! Bantay ka lang jud ug magkita ta, mingaw nako nimo.” (Bantay ka lang at magkikita tayo, miss na kita)

Comment naman ni Mimiyuuuh na isa sa mga malalapit na kaibigan ng aktres, “EDE SANA OL! KIMMMY! MISS U MAY!!!”

Pabirong reply ni Maymay, “pistia ka daai! Miss you too!!”

“You’re glowing ate!!!” sey naman ni Jayda.

Hirit naman ni Maymay, “yess bebe kasi hindi ‘toxic’ eh. Congratulations sa ‘yo!”

Ang “Toxic” na sinasabi ng aktres ay ang bagong kanta ni Jayda.

Sa ngayon ay nasa Canada ang dalaga.

Matatandaang inanunsyo niya na itutuloy na niya ang matagal na niyang plano na mag-aral abroad at suportado naman siya ng kanyang pamilya sa daang tinatahak nito.

RELATED STORIES

Maymay Entrata shares video of rumored non-showbiz beau

Maymay Entrata, Visayan girls share stage for #RejoiceGirlGwapaKaDai

TAGS: boyfriend, Cebu Daily News, IG post, Maymay Entrata, Showbiz news
Latest Stories
Most Read