Celebrities

Heart Evangelista na-link nga ba kina John Lloyd Cruz at John Estrada?

Heart Evangelista na-link nga ba kina John Lloyd Cruz at John Estrada?

NAGKAROON ba ng ugnayan noon sina Heart Evangelista at John Estrada, isama pa si John Lloyd Cruz?

Si Heart kasi ang isa sa topic nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Ate Mrena sa “Showbiz Update” YouTube channel nila na in-upload nitong madaling araw ng Huwebes, Mayo 19.

Nag-ugat ito sa grand reveal niya na lahat ng naka-one night stand niya noong dalaga pa siya ay naging boyfriend niya kaya ang netizens kasama na ang ilang media personality ay kanya-kanyang hulaan na kung sinu-sino ang mga exes ng kilalang fashion icon at wifey ni Senator Chiz Escudero.

Nabanggit sina Jericho Rosales at John Prats na naging ex-boyfriend ni Heart at isinama rin ang mga pangalan nina John Lloyd at John E.

“May mga asawa na (boyfriends) katulad ni Jericho Rosales (Kim Jones), si John Prats (Isabel Oli), alam ko for a time nanligaw din si John Lloyd,” bungad ni Ogie.

Gulat na gulat naman si mama Loi sa pagkabanggit ng pangalan ni Lloydie.

Dagdag pa ni Ogie, “ewan ko kung totoong na-link si Heart kay John Estrada dati noong bata-bata pa sila.”

Balik-tanong ni mama Loi, “bakit puro J ‘nay (tawag niya kay Ogie).”

“Oo nga ano, puro J. Nagkataon lang. Bakit may feng shui ka bang pinaniniwalaan?” tanong nito sa co-host.

“Wala naman, puro J lang ‘yung mga ano, na-link sa kanya,” kaswal na sabi ni mama Loi.

“Hayaan mo na at binigyan mo na naman ako ng problemang sagutin ‘yan,” kunot noong sabi naman ni Ogie.

Ano nga ba ang ibig sabihin na bakit ikinuwento ni Heart ang mga lalaking naka-one night stand niya?

“Di ba may mga ganu’n Loi pagka nalipasan mo na, pag naging bahagi na ng buhay mo tapos naka-recover ka na, naka-move on ka na parang freely pinag-uusapan mo na ‘wala lang.’

“Di ba parang tayo na kapag (naalala), na ‘ang gaga ko pala noong araw nagawa ko pala ‘to?’ May mga ganyan, di ba?” nakangiting tsika ng talent manager/host.

At isa pang revelation ni Ogie na may crying galore pa raw na ginagawa si Heart.

“May nagsabi lang na parang part of the seremonyas, ha, ha,ha, ha,” tumatawang sabi ni Ogie.

Kinulit ni mama Loi, “anong part of the seremonyas?”

“E, nabalitaan ko lang, ha, ha ha, basta alam ni Heart ‘yan! Basta kuwento lang sa akin. Hindi ko naman alam kung totoo ‘yun. Part of the scene ika nga,” sambit pa ni Ogie.

“Ha, ha, ha ano ba ‘yung part of the scene? Hindi ko ma-imagine, ha, ha, ha” curious na sabi ni mama Loi.

“Basta pinagdaanan na ‘yan ni Heart kung totoo man. Siyempre hindi naman natin alam kay Heart kung totoo‘yun,” diin pa ni Ogie.

“May crying scene bago ang lahat?” nagtataka pa ring urirat ni mama Loi.

“Ewan ko sa ‘yo, and with that mga kaibigan ito po ang inyong mga lingkod,” sabay pagtatapos ni Ogie.

Naku, nabitin din kami kung ano ng aba ‘yung crying scene ni Heart bago ang anumang gagawin niya.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Heart Evangelista – Escudero.

RELATED STORIES

Heart Evangelista visits Carbon Market, buys Sweet Corn snack

Heart Evangelista talks about becoming her own boss

Heart Evangelista proves youthful beauty in throwback photos

TAGS: Cebu Daily News, Heart Evangelista, John Estrada, John Lloyd Cruz, Showbiz news
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.