Celebrities

Matteo Guidicelli pinagsabihan si Alex Gonzaga: Irespeto natin ang mga asawa natin

Matteo Guidicelli pinagsabihan si Alex Gonzaga: Irespeto natin ang mga asawa natin

NAKAHANAP na nga ba ng katapat ang TV host-comedienne na si Alex Gonzaga sa katauhan ni Matteo Guidicelli?

Ito ang usap-usapan ng mga netizens ngayon matapos mapanood ang episode ng “Lunch Out Loud” nitong Huwebes, August 11.

Personal kasing tinawag ni Matteo ang pansin ni Alex bago pa man matapos ang noontime show.

Maski sa Twitter ay nag-trending ang dalawa dahil kumalat na rin ang trimmed video clip kung saan nag-uusap na ang dalawa.

“Pasensiya na po, may konting mensahe po ako sa mga Tropang LOL especially sa ‘yo, Alex,” panimula ni Matteo.

“Uy, ano ito?” tila curious na tanong ng kanilang mga kasama sa show.

Bago niya harapin ang kapatid ni Toni ay nagbiro pa siya na lagyan ng dramatic background music ang kanyang sasabihin.

“Pinaniganipan ko ‘to kagabi, sabi ko sa sarili ko at nag-pray ako, Alex, tigilan na natin ang pagbiro natin sa mga asawa natin dahil… mga ex na ‘yan, e, tapos na ‘yan,” seryosong saad ni Matteo.

Pagpapatuloy niya, “Maawa naman tayo kay Konsehal at sa asawa ko dahil kagabi umiyak na ako dahil sa ‘yo.”

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Sinang-ayunan naman ni Alex ang sinabi ng kaniyang guest co-host ngunit napatanong kung bakit umiyak ito.

Sagot ni Matteo, “Dahil nasasaktan ako para sa asawa ko, tigilan na natin… Siyempre nai-stress din yung editor natin sa taas.

Dagdag pa niya, “So, Tropang LOL, irespeto natin mga asawa natin at mag-usap na lang tayo tungkol sa…”

Marami naman sa mga netizens ang lubos na humanga kay Matteo dahil sa pag-call out nito sa ginagawa ni Alex.

Panay kasi ang panunukso nito sa kanya ukol sa ex-girlfriend nito gayong aware naman ang lahat na kasal na siya kay Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

May mga nag-post rin ng mga dating video clips mula sa show kung saan makikitang inaasar ni Alex si Matteo sa isa pa nilang co-host na si Laboching pero makikitang iwas naman ang aktor dito.

Agad namang binatikos ng mga netizens ang ginagawa ni Alex dahil hindi naman daw lahat ng bagay ay dapat gawing joke.

Pero base sa mismong pangyayari sa show ay tila biniro ni Matteo si Alex dahil imbes daw na pag-usapan ang nakaraan ay ang kuko na lang raw nito sa paa ang pag-usapan.

Makikita pa ngang natawa ang asawa ni Sarah at lumapit sa kamera sabay sabing “Skrrt, skrrt!”

RELATED STORIES

Matteo Guidicelli to Sarah Geronimo: ‘Through thick and thin and all the ups and downs’

Mateo Guidicelli pens sweet message on wife Sarah G’s 19th showbiz anniv

Matteo Guidicelli speaks up after controversial wedding 

TAGS: Alex Gonzaga, Cebu Daily News, Matteo Guidicelli, Showbiz news, trending topic, Tropang LOL
Latest Stories
Most Read