Entertainment Life!

Joshua naghubad sa bagong horror film ni Chito Roño: ‘Kapag napanood n’yo ‘yung movie parang hindi ako nag-prepare ng katawan ko’

Joshua Garcia

Joshua Garcia. | Bandera

BUKOD sa nakakagulat at nakakatakot na mga eksena sa bagong horror movie ni Direk Chito na “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan”, nagmarka rin dito ang akting ni Joshua Garcia.

In fairness, hindi madali ang role ng Kapamilya actor sa latest offering ng Regal Entertainment, bilang isang binata na walang kamalay-malay sa tunay na pagkatao ng kanyang mga kapamilya.

Kung bano-bano kang umarte siguradong hindi mo mabibigyan ng hustisya ang karakter ni Joshua sa pelikula dahil iba-ibang level ng akting ang hiningi ni Direk Chito sa binata.

At para kay Joshua, napakagandang materyal nito para sa kanyang comeback movie kung saan mas maipapakita pa niya sa mga manonood ang kanyang versatility as an actor.
“Kasi isa siyang opportunity para sa akin, para ma-prove ko ‘yung sarili ko na I can act,” ang pahayag ni Joshua sa panayam ng Star Magic Inside News nang tanungin kung bakit tinanggap niya ang pelikula.

Sabi pa niya, “Kapag napanood niyo ‘yung movie parang hindi ako nag-prepare ng katawan ko.

“Pero kasi simple lang ‘yung character ni Carlo, high school student. As Joshua pinagdaanan ko na rin ‘yung pagiging high school (student).

“Inaalalayan din naman ako ni direk Chito. So medyo hindi naman naging kumplikado ‘yung ginawa namin,” ani Joshua.
May mga na-experience ba siyang kakaiba o nakakatakot habang ginagawa nila ang movie na kinunan sa isang probinsya na parang gubat na?

“Nakakatakot ‘yung location. Nakakatakot si Mama Susan. At nakakatakot ‘yung mapagalitan ka ni Direk Chito!” ang natatawang sagot ni Joshua na ang tinutukoy na Mama Susan ay ang award-winning veteran actress na si Angie Ferro na gumaganap na lola niya sa pelikula.

Ngayong araw na, May 18, mapapanood  sa streaming app na Prime Video ang horror-suspense movie ni Direk Chito at ni Joshua na “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan” kung saan kasama rin sina Kelvin Miranda, Mon Confiado, Ricky Davao at marami pang iba.

Bukod sa nasabing pelikula, malapit na ring mapanood ang bago niyang teleseryeng “Unbreak My Heart” kasama sina Jod Sta. Maria, Gabbi Garcia at Richard Yap.

Ang “Unbreak My Heart” ay ang unang TV collaboration ng ABS-CBN at GMA 7.

READ MORE:

Joshua Garcia on his true friends: I am missing the sun and the gang

TAGS: Artist, entertainment
Latest Stories
Most Read