Life! Showbitz

Claudine Barretto emosyonal nang muling makita si Dennis Padilla: I miss you, Kuya!

Photos of Dennis Padilla, Claudine Barretto and Sabina.

Dennis Padilla, Claudine Barretto and Sabina

MANGIYAK-NGIYAK ang aktres na si Claudine Barretto matapos ang kanilang pagkikita ni Dennis Padilla.

Sa kayang Instagram page ay ibinandera ng aktres ang video nang muli nga silang magkita ng dating asawa ng kanyang ate na si Marjorie Barretto.

Mahigpit ang pagkakayakap ni Claudine sa kanyang itinuturing na kuya at mangiyak-ngiyak rin ito sa muli nilang pagkikita.

READ MORE: Dad’s love: Stepfather asks daughters to take his last name

“With my kuya! I love you so much my kuya,” saad ni Clau.

Sagot naman ni Dennis, “I miss you too” at niyakap rin ang panganay na anak na babae ni Claudine na si Sabina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)

 

Tila nagulat pa nga si Dennis dahil dalaga na si Sabina at matangkad raw ito sa personal.

Marami naman sa mga netizens ang naantig sa muling pagkikita ng dating magbayaw.

“I remember decades ago interview ni Claudine saying how she loved Marjorie and her Kuya Dennis,” saad ng isang netizen.

READ MORE: Fatherhood Above All: A singles dad’s sacrifice

Comment pa ng isa, “Time heals. God loves us unconditionally.. we should also forgive and love them especially for family.

“Proud of you claud little by little lahat naayos sa buhay broken relationships will be all healed soon. It’s better to have a peaceful heart and genuine happiness. Nakikita kung bumabalik ka na sa dating Claudine nag reflect sya sa situation at aura mo. Genuine kindness forgiveness , happiness lang tlga. Minsan nadadapa tlga tayo naliligaw pero imprtante alam natin bumangon at magbago,” sey pa ng isa.

Muling nagkita ang dalawa sa baptism ng mga anak ng aktres na sina Quia at Noah.

RELATED STORIES

Claudine dadalhin hanggang kamatayan ang sinabi ni Judy Ann noong lumipat siya sa GMA at iwan ang ABS-CBN

Claudine, Raymart muling nagkasama, parehong present sa graduation at recognition nina Santino at Sabina

Julia, 2 pang kapatid may isyu na naman kay Dennis; dedma sa Father’s Day

TAGS: Showbiz news, video
Latest Stories
Most Read