Life! Showbitz

Andrea Brilliantes hindi pa malaya kay Ricci Rivero: ‘Dapat namnamin ko ang feeling na ‘to para makapag-heal ako nang maayos’

Andrea hindi pa malaya kay Ricci: 'Dapat namnamin ko ang feeling na 'to para makapag-heal ako nang maayos'

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

“HINDI pa po ako totally malaya,” yan ang pag-amin ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes patungkol sa paghihiwalay nila ni Ricci Rivero.

Matapang na naglabas ng kanyang saloobin ang dalaga on national television hinggil sa nasirang relasyon nila ng kanyang ex-dyowang basketball player.

Sa guesting ng “Drag You & Me” star sa “Magandang Buhay” naging open ang dalaga sa tunay niyang nararamdaman at sa lagay ngayon ng kanyang puso after the controversial breakup.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

“Tingin ko ay okay naman siya (puso ko). I mean it could be worse sa mga nagaganap ngayon. Puwedeng wala rin ako rito today kasi hindi ko kayang humarap sa mga tao. Pero tingin ko naman po sa lahat nang nagaganap ay okay siya ngayon,” pahayag ni Andrea.

Pero inamin niyang, “Parang hindi pa po ako malaya, fully. Tingin ko po kasi kapag sinabing freedom, may part doon ng acceptance.

“Kasi naa-accept mo na na kailangan mo ng i-let go ang mga bagay-bagay. Ako po kasi, aminado ako na since ang bago-bago pa lang po talaga ng lahat, at alam mo ‘yon naging totoo kasi sa akin lahat. Ako nagmahal ako ng totoo, hindi ko ‘yon male-let go agad-agad,” esplika pa ng aktres.

Patuloy pa niyang paliwanag, “So hindi ko masababing malaya ako ng 100% kasi may mga bagay pang ayaw ko pang pakawalan and may mga bagay pang na pino-process ko pa.

“Kasi ganu’n naman talaga. Normal lang naman na dapat ay namnamin ko ang mga feeling na ito para makapag-heal ako ng maayos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

“Ayaw ko namang maging pretentious na maki-trend lang na I’m unbothered, para lang masabi na unbotheredly. Aminado ako na nakakaramdam ako kasi tao pa rin po ako,” pagbabahagi ni Andrea.

At kahit daw ipinagluluksa pa niya ang pagkabigo muli sa pag-ibig, “Kahit gusto kong magsalita ay pinipili kong huwag na lang, para walang gulo.

“Kahit ang dami kong gustong gawin ay pinipili kong piliin na lang ang sarili ko at mag-focus sa kung ano ang mayroon ako at sa mga taong nagmamahal sa akin,” mariin pang sabi ni Andrea.

Last week, mismong si Ricci ang umamin na hiwalay na sila ni Andrea, “I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through.

“Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship. I hope let’s stop creating your own,” aniya pa.

RELATED STORIES

Ricci Rivero: Please respect our decision to keep it to ourselves

Leren Bautista denies romance with Ricci Rivero, says ‘outreach activity’ brought them together

IN THE SPOTLIGHT: A timeline of Andrea Brillantes and Ricci Rivero’s romance

TAGS: Andrea Brillantes, Breakup, controversial, freedom, Showbiz news
Latest Stories
Most Read