Life! Showbitz

JM de Guzman pang-best actor ang kaangasan bilang kontrabida; fans abangers sa acting collab nila ni Donnalyn Bartolome

JM de Guzman

JM de Guzman

BAGAMA’T kontrabida ang role ni JM de Guzman nilang si Bro. Joseph sa “The Iron Heart” ay puring-puri siya ng netizens.

Sa kanyang latest Instagram video kung saan sinakal niya ang isa sa kanyang disipulo na babae, hangang-hanga ang supporters ng show sa galing magbitaw ng salita ni JM, punung-puno kasi ito ng emosyon.

Ang daming natuwa sa post na iyon ni JM.

“Kahit kontrabida role ka jan sa the iron heart ang ganda ng role mo idol. Pang Best Actor tlaga.”

“Thanks lodii, btw ang galing mo jan. kahit san ka man ilagay sobrang galing napakahusay.”

“Ang galing2x mo nman lodi jm lng malakas best actor galing mo! Sana colab kayo ulit n donalyn b. Bagay talaga kayo Sana magka love team kayo ni dona.”

“Waiting sa mas nakaka intense na part ni brother.”

“Ang scary mo jan founder.. masyadong ginalingan.”

“Iba talagang gumanap ang isang JM De Guzman, maa-amaze ka talaga.”

Sa post naman ni Richard Gutierrez sa IG account niya, ipinakita niya ang bakbakan nila ni JM sa dagat.

Talagang intense ang mga eksena dahil naghahabulan sila ni JM using jet skis.

Anyway, kabilang sa mga bagong cast members ng “The Iron Heart” sina Carmen Soo, Fabio Ide, Richard Quan, Ruby Ruiz, Igi Boy Flores, Anna Luna, Ruben Soriquez, Krystal Brimner, Cris Villanueva and Alex Medina.

RELATED STORIES

JM de Guzman nabaliw dahil sa babae, sinaktan ang sarili: ‘Matindi akong magmahal, kaya nu’ng nawala siya… sobrang sakit’

JM De Guzman crush na crush si Donnalyn Bartolome, hirit ng netizens: ‘Lagyan na ng label yarn!’

TAGS: Best Actor, JM de Guzman, Netizens, Showbiz news
Latest Stories
Most Read