Life! Showbitz

Jennylyn proud padede mom, mas nae-enjoy nila ni Dennis ang pagiging hands-on parents kay Dylan

Jennylyn Mercado

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at Baby Dylan

FEELING first-time parents ang celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa pag-aalaga at pagpapalaki sa anak nilang si Dylan Trillo.

Bago dumating sa buhay nila si Dylan, may mga sariling panganay na ang mag-asawa – si Jazz ang panganay ni Jen kay Patrick Garcia habang si Calix naman ang first son ni Dennis kay Carlene Aguilar.

Ayon kay Jennylyn, mas nae-enjoy nila ngayon ni Dennis ang pagiging parents dahil talagang hands-on sila sa pagsubaybay sa kanilang panganay.
“Kasi ‘yung first ni Dennis, hindi rin niya masyado nakasama. ‘Yung first ko naman, si Jazz, ganu’n din, bumalik ako agad sa work.

“Tapos lagi ko lang iniiwan kay mommy Lydia (nanay ni Jen) hanggang sa lumaki so parang hindi ko ganu’n natutukan si Jazz nu’ng baby,” pagbabahagi ng Kapuso Ultimate Star sa “Updated with Nelson Canlas” podcast.

Sey pa ni Jennylyn, ibang-iba na ngayon ang pag-aalaga ng baby kumpara noong maging first-time nanay siya, kabilang na nga riyan ang pagkakaroon ng mga bagong gadgets at baby accessories.

“Noon parang, ‘Huh? Hindi naman kailangan ‘yan noon, ah?’ Tapos ngayon, may kung anu-ano na,” aniya pa.

Naibahagi rin ng wifey ni Dennis kung paano niya pinaghandaan ang pagdating at pagsilang kay Dylan

“Nu’ng buntis ako, nagre-review na ‘ko, ano bang mga bago, ano bang mga kailangan ko pang gawin para this time, ‘yung pregnancy ko, hindi na siya stressful.

“Kasi noon ibang-iba rin talaga. Ngayon, may may time ako na pag-aralan,” aniya pa.
Nasabi rin ni Jennylyn na hindi raw talaga sila kumuha ni Dennis ng yaya noong unang limang buwan sa pag-aalaga kay Dylan.

“Pero hindi ko ‘yun magagawa kung wala si Dennis so talagang sa gabi, papatulugin niya ‘ko, ‘yung ganu’n, ‘yung kailangan ko maka-recover sa gabi para sa umaga ako naman, siya naman ‘yung matutulog,” pahayag ni Jen.

At totoong-totoo rin daw ang palaging sinasabi ng mga magulang na nakakawala ng pagod at stress kapag nakaka-bonding ang mga anak kahit pa pagod at puyat mula sa trabaho.

“Ang hirap din kasi ngayon, one year old siya, kalahati ng taon nag-full-time breastfeeding talaga ako so medyo ano siya sa oras. As much as gusto mong magpahinga, hindi ka talaga makakapagpahinga,” sey pa ni Jennylyn.

READ MORE: 

Jennylyn Mercado and Dennis Trillo’s emotional engagement

TAGS: Celebrities, couples, entertainment, family, relationships
Latest Stories
Most Read