Showbitz

Gwapong aktor na natsitsismis na beki huli sa akto ng kasambahay, sinuhulan ng super mahal na regalo para manahimik

gwapong aktor beki

MATAGAL nang natsitsismis na bisexual ang dalawang gwapong aktor at singer dahil sa malamya nilang kilos.

Sinabi namin sa aming source na hindi kami naniniwala dahil may mga naging girlfriend na ang dalawang guwapong singer-actor hanggang ngayon.

Tinanong kami kung nakailang dyowang girl na ang dalawang bida sa blind item na ito at binanggit namin na dalawa ‘yung isa at nakaisa naman ‘yung isa pa.

“See, kasi kuntento na sila sa isa kasi may iba rin silang gusto,” diin ng aming source.

Nabanggit pa ng aming source, “Yung isa nabuking ng kasambahay nila kaya sinuhulan ng bonggang regalo na kung bibilhin ito ng kasambahay ay malamang maraming taon siyang magdidilig ng buong garden at maglilinis ng sasakyan.”

Wala namang ganitong drama ‘yung isa pang guwapong singer-actor dahil open secret daw ito sa loob at labas ng bahay nila maliban sa public places dito sa bansa.

Pero kapag nasa ibang bansa raw ito, “Lagi siyang nasa gay bar sa San Francisco (USA).”

Balik-tanong namin, gay na bang matatawag kapag pumasok sa gay bar?

“Technically, no, but what other reasons do you have for being there? Besides, mga regulars (visitors) ang mga yan doon,” sagot ng aming source.

Oo nga naman di ba?. Anong gagawin mo loob ng gay bar kung ayaw mong manood ng mga lalaking nakahubad at gumiling-giling sa harapan mo.

Ang aming source ay mahilig sa nightlife kapag nasa ibang bansa kaya marami siyang nakikita roon na mga kilalang personalidad.

Nakita rin niya ang isa pang gwapong aktor na hindi pa raw nag-a-out na may kasama laging foreigner actor na sa tingin niya ay Espanyol ito.

“Wait and watch mo na lang na mag-ala BB Gandanghari ‘yang dalawa in few years time,” sabi pa sa amin.

Hmmmm, sige maniniwala lang talaga kami kapag nag-out na ang dalawang gwapong aktor na yan.

Isa pang Blind Item: Kilalang aktor ‘mabaho’ raw at maraming demand, production staff naimbyerna

READ: Ricci Rivero sinagot na ang tanong kung totoong meron siyang ‘gay boyfriend’; dinenay na nanliligaw kay Councilor Leren Bautista

TAGS: Bisexual, gay actors, showbiz
Latest Stories
Most Read