Life! Showbitz

Faith da Silva may inamin tungkol kay Albert Martinez, na-fall nga ba nang bonggang-bongga?

Faith da Silva

Albert Martinez at Faith da Silva

HINDI umabot sa MU (mutual understanding) at dating stage ang naging relasyon ng Kapuso actress na si Faith da Silva sa veteran actor at director na si Albert Martinez.

Yan ang rebelasyon ni Faith nang muling matanong tungkol sa naging “relasyon” nila ni Albert noon habang ginagawa nila ang pinagsamahang teleserye sa GMA 7, ang “Las Hermanas.”

Sa naganap na grand mediacon ng latest Kapuso primetime series na “Maging Sino Ka Man” kung saan gaganap na kontrabida si Faith sa tambalan nina Barbie Forteza at David Licauco, muling kinumusta sa kanya si Albert.

“Akala ko nasagot ko na ito hindi pa pala. Ha-hahaha! Hindi, ‘yun nga po siyempre ‘yung kay Direk Albert, I can only answer for myself ‘di ba. Kung ma-fall siguro masyado pong malalim ‘yun para sabihin kong ma-fall ako.
“Pero ‘yung appreciation ko sa kanya at siguro ‘yung pagkagusto ko sa kanya nung mga time na ‘yun, it was really there.

“It was apparent naman sa ‘kin pero ‘yun nga mahirap ‘yung sitwasyon kasi syempre biyudo po siya at saka mahal na mahal niya po talaga ‘yung wife niya.

“Na kapag nag-uusap po kaming dalawa, siya po talaga ‘yung lagi niyang kinukwento. So syempre ako rin naman bilang respeto ko sa relationship nila,” litanya ni Faith.

“‘Di ba ang tagal din naman po nila. Saka minahal talaga nila ‘yung isa’t isa. Hindi ako sa papagitna or kahit wala naman na akong papagitnaan parang I don’t want to be involved in it.

“So wala. Siguro dala na rin ng paghanga mo sa kanya? Sigu­ro po ganon kasi aside from him being a director, bilang isang artista na kilala talaga.

“‘Yung pagkatao niya mabait po talaga siya eh. He’s a gentleman. At saka siyempre nung mga time na ‘yun ga­ling po siya ng ABS-CBN eh. So, sino naman po ang mag-aakala na magkakaroon pala kami ng partnership.
“At saka ‘yung role ko po or role po namin doon sa Las Hermanas, eh mag-asawa kami. So siguro mahirap din pong sabihin na ‘di ba kahit sino naman po…siguro po (nadala) kahit paano ‘di ba?” paliwanag pa ng Kapuso actress.

Sa tanong kung umabot sila sa MU, “Kapag kasi po MU ibig sabihin kahit papaano may label na kayo. ‘Yung sa amin po hindi ko masasabi na MU po siya.” Hindi rin daw sila nag-date ni Albert.

“Grateful ako and happy ako na na-appreciate ng mga tao at saka nakita nila ‘di ba na uy bagay pala and pwede naman pala.

“And bukod po siguro doon sa partnership namin dito sa Las Hermanas eh mas nakilala ko siya bilang isang tao. Napakalalim ng character niya at napakamabuti niya pong tao. Ayun lang masasabi ko,” sey pa niya.

Huli raw silang nagkita at nagkausap sa GMA Gala 2023.

READ MORE:

Snooky Serna reveals she almost eloped with Albert Martinez at 15, but ‘sinumpong siya ng asthma’

TAGS: couples, entertainment, relationship, showbiz
Latest Stories
Most Read