Celebrities Showbitz

Aiko Melendez nag-init ang ulo sa aktor na ma-attitude na may inisyal na JP, sino kaya ito?

Aiko Melendez

Aiko Melendez blind item

KILALA naming marespeto, mabait, malumanay at mahaba ang pasensiya ni Konsehala Aiko Melendez kaya marami ang nagulat nang mag-post siya noong Huwebes, September 7, sa kanyang Facebook account tungkol sa taong may inisyal ang pangalang JP.

Ibig sabihin nito ay napuno ni JP ang tapayan ni konsi Aiko kaya ito ay umapaw na at idinaan na sa blind item ang kanyang galit.

Base sa post ng konsehala ng ika-limang Distrito ng Quezon City, “DIOS MIO JP ‘wag ka masyado mayabang… wala ka pa napapatunayan sa industriya para maging mayabang!”

“Lord turuan n’yo naman itong bagets na ‘to matutong makisama. ‘Di porket bida ka attitude ka. Very wrong! Seminar ka muna para maging mabait ka,” ani pa niya.

Kaagad kaming nagpadala ng mensahe kay konsi Aiko sa kanyang messenger kahapon pero hindi pa niya na-seen.

Pagkalipas ng ilang oras ay tinanggal na rin ni Aiko ang kanyang post.

Marami ang humulang ang aktor na si Jerome Ponce ang JP na blind item ng actress-politician na kasama ng anak niyang si Andre Yllana sa isang project.

Baka Bet Mo: Aiko Melendez ayaw makatrabaho si Jomari Yllana: ‘Hindi pa kasi kami OK’

Isa rin ito sa topic nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa “Cristy Ferminute” program kaninang tanghali (Sept. 8) na napakinggan sa Radyo 5, 92.3 TRUE FM na hinanap daw talaga nila kung sino ang may inisyal na JP.

Sabi ni Romel Chika, “Hinanap ko po talaga at napagtanto ko na baka ito na ‘yun. E, kasi nga kilala naman natin ‘tong si ‘inisyal na ‘yun na maangas-angasan.”

Susog ni ‘Nay Cristy, “At saka ang pinagmulan po ng ganitong konteksto ay isang aktres na napaka-marespeto sa kanyang mga kasamahan sa industriya lalo na sa mga beteranong artista.

“Sobra pong ma-respeto si konsehala Aiko Melendez (at) may karapatan po siyang magsalita ng ganito. Dapat lang talagang turuan ang mga kabataang artista na hindi marunong rumespeto sa mga artistang nauna kesa sa kanila.”

Patuloy niya, “E, tapos ngayon may biglang lumabas na ano (post), magkasama pala sa isang pelikula itong si JP at ang anak ni Aiko, di ba? ‘Yun na! One plus one ngayon.

“At saka nasa tama pong wisyo si konsehala Aiko sa pagsasabi ng ang mga artista lalo na po kung wala pa namang napapatunayan ay dapat talagang matuto, leksyon 101, marunong rumespeto at makisama sa kanyang mga ka-trabaho.”

“Wala ka pa ngang napapatunayan, magyayabang ka na. Sabagay matagal na rin namang naiisyung may kaangasan itong si JP, di ba? Kaya hayan!” dagdag pa ni ‘Nay Cristy.

Opinyon ni Romel Chika, “porke’t nagbida siya ngayon eto na ay lumampas na talaga lalong pinanindigan ang kanyang kayabangan!”

At dito na binanggit ng CFM host ang pangalan ni Jerome Ponce.

“Ano kaya ang ginawa nitong si Jerome Ponce para mapansin ng mga kasamahan na wala siyang respeto at hindi marunong makisama? Ano sa palagay mo, Romel?” tanong ni ‘nay Cristy sa co-host.

“Siguro ‘nay ito ‘yung late dumating pinag-antay ang lahat ng kasamahan, super late ito,” hula ni Romel Chika.

Samantala, muli naming tinext si konsi Aiko kung nag-reach out na sa kanya si JP pero hindi pa rin kami sinagot hanggang matapos naming sulatin ang balitang ito.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Jerome Ponce tungkol sa isyung ito.

Related Chika:

Jerome Ponce ‘walang-wala’ na raw kaya kapit kay Darryl Yap, pinalagan ang netizen

Aiko Melendez ibinandera ang pag-graduate sa kolehiyo: If you can dream it, you can make it

Jerome Ponce nakabili na ng bahay para sa pamilya: Doon na kami magpapasko!

 

TAGS: Aiko Melendez, blind item, showbiz
Latest Stories
Most Read