Celebrities Showbitz

Luis Manzano naloka sa video ng lalaking rumarampa habang naka-high heels: Hindi po ako ‘yan!!

Luis Manzano

Luis Manzano

TAWANG-TAWA ang mga netizens sa kwelang hirit ng TV host-actor na si Luis Manzano sa isang video ng lalaki habang rumarampa ng naka-high heels.

Sa katunayan, ibinahagi pa nga niya ito sa kanyang Instagram page nitong Huwebes, Setyembre 14.

Makikita sa naturang video ang lalaking nakatalikod na tumatawid sa kalsada habang naka-short shorts at high heels. Sa unang tingin ay aakalain mong si Luis ang lalaki dahil sa pagkakahawig ng kanilang tindig.

“Hindi po ako yan!!!” saad agad ni Luis na kilala sa industriya sa pagoging palabiro nito.

Pagpapatuloy niya pa, “Teka… di ko na rin alam, baka nga ako yan [emojis]”

Agad namang bumenta sa madlang pipol ang post ni Luis at maging ang mga kaibigan nito sa industriya ay napa-comment.

Baka Bet Mo: Luis ‘naasar’ nang mabigkas ni Baby Peanut ang ‘baba’: Pakisabihan na kilalanin niya ang binabangga niya’

“HAHAHAHAHA! Nice voots, mamacita! [fire emoji],” saad ng singer na si Geneva Cruz.

Comment naman ni Alora Sasam kay Luis, “Sa presinto ka po magpaliwanag [laughing emoji],”.

Sey naman ng isang netizen, “HAHAHAHHAHAHAHAHA hay @luckymanzano mabuti nalng pinanganak ka! dami mong napapasayang tao.”

“No matter how many times you repost this, namamatay parin ako [laughing emoji],” hirit pa ng isang netizen kay Luis.

Bago pa ito ay may ibinahagi na rin ang anak nina Edu at Vilma na video ng lalaking sumasayaw sa mga kumakain sa isang restaurant sa Thailand.

“Hindi ako ‘yan. Sa lahat ng mga nagsasabing… Saan n’yo ba nakukuha ‘yung mga ganito? Hindi ako ‘yan,” saad nito sabay gaya sa lalaki sa video.

“Malinaw na hindi ako ‘yan. Tama na. Sobra na sa feelings and emotions. Respect please ,” birong dagdag pa nito.

Related Chika:
Luis Manzano ‘hinarana’ si Baby Rosie, sey ni Jessy Mendiola: Nanghihingi ng saklolo si Peanut!

Luis Manzano sinagot kung kailan pwedeng magpaligaw si Baby Peanut: Kapag nag-aagaw buhay na siya

TAGS: high heels, Luis Manzano
Latest Stories
Most Read