Showbitz

Francis M jersey binibili ng P2.5-M kay Boss Toyo?

Francis M

MATAPOS ang pasabog na rebelasyon sa likod ng ibinentang Francis M jersey ng nagpakilalang dating karelasyon ng master rapper na si Abegail Rait kay Boss Toyo, isang cryptocurrency trader naman ang nagpakita ng interes na bilhin ito kay Boss Toyo.

Sa latest vlog ng “Pinoy Pawnstars”, nagpakita ng interes si Marvin Favis na bilhin ang naturang jersey pati na rin ang iba pang memorabilia ng yumaong master rapper na nauna nang binili ni Boss Toyo.

Sa kanilang unang negosasyon ay isang milyon ang naging offer ni Marvin kay Boss Toyo para sa viral jersey ni Francis M ngunit tumanggi ang vlogger.

“Manipis ‘yun. Manipis. Alam mo ‘yun. P1M para rito? It’s not going to happen kahit sa dreams,” sey ng may-ari ng pawnstars shop.

Baka Bet Mo: Boss Toyo nag-reach out kay Pia Magalona bago i-upload ang vlog kasama ang ‘ex-lover’ ni Francis M

Dagdag pa niya, “Talaga bang seryoso ka na binibili mo to [Francis M jersey]? Kasi I’m still wondering e. Kung kumagat ako sa presyo mo, talagang bibilhin mo to?”

Makikita namang seryoso talaga si Marvin na bilhin ang jersey kasama ang iba pang mga Francis M collectibles.

Pero naging matigas rin si Boss Toyo na hindi niya ito ibinigay ng isang milyon.

Matatandaang nabili niya sa umano’y ex-lover ni Francis M ang naturang jersey sa halagang P500,000 mula sa asking price na P700,000.

“Siguro ang maio-offer ko talagang sagad dito brader, pinaghandaan ko naman, umoo ka o hindi, sagad ko rito, P2.5 [million],” counter offer ni Marvin.

Dagdag pa niya, kung papayag si Boss Toyo ay handa siyang bilhin nang package ang buong Francis M collectibles.

Amin ni Boss Toyo, nate-tempt na siyang ibenta ang package dahil hindi naman daw biro ang halagang ino-offer sa kanya.

“Nate-tempt pero siyempre na-ano ko pa rin na kailangang i-preserve natin ‘to. Nakaka-goosebump lang kasi may tumatawad na ng ₱8M,” sey ng social media personality.

Sa huli ay hindi niya ibinenta ang Francis M collectible.

“Kahit ako rin, hindi ko pa naiisip ang lahat ng ‘holy grail’. Gusto ko muna siyang ma-exhibit sa museum at uulitin ko, hintayin ko na lang ‘yung anak ko na mag-decide para sa akin,” sabi pa ni Boss Toyo.

Related Chika:

Boss Toyo handang gumastos mabili lang ang OOTD ng TVJ nang magpaalam sa ‘Eat Bulaga’; hahataw bilang talent ng Blvck Entertainment

Frank Magalona gi-like ang ‘homewrecker’ tweet sa usa ka netizen

TAGS: Boss Toyo, Francis M, jersey, Pawnstars
Latest Stories
Most Read