Entertainment

Daniel Padilla, Andrea Brillantes palihim na nagkikita ayon sa chika kay Ogie Diaz, how true?

Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at Andrea Brillantes

Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at Andrea Brillantes

TRULILI nga kaya ang chikang patagong nagkikita ang mga Kapamilya stars na sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes?

Sa latest episode kasi ng “Showbiz Update”, isiniwalat ng talent manager na si Ogie Diaz na ayon sa sitsit ng kanyang source ay palihim ngang nagtatagpo ang dalawa.

Matatandaang ilang araw na ring palaisipan sa madlang netizens kung ano na nga ba ang estado ng relasyon nina Kathryn at Daniel dahil muli na namang nabuhay ang balitang hiwalay na umano ang dalawa.

Ilang netizens na rin ang tila naniniwala na baka wala na nga talaga ang dalawa dahil hindi na raw nagpo-post ang dalawa ng picture na magkasama.

“Talagang pinag-uusapan sa social media ‘yun ngang diumano ay hiwalayan ni Kathryn at ni Daniel na ang dahilan daw ay si…” pabitin na saad ni Ogie.

“Sino?” tanong naman sa kanya ni Mama Loi.

Baka Bet Mo: Daniel Padilla nakaranas ng ‘burnout’, pero excited na sa 3 movie projects: ‘I’m reborn!’

“Eh siyempre hindi naman to confirmed. Kaya dapat marinig din natin ang panig nila. Kasi nili-link si Daniel Padilla kay Andrea Brillantes. Hindi ba nakakaloka,” lahad ni Ogie.

Chika pa niya, pinagselosan raw ni Kathryn ang “Senior High” lead star.

“May nagtsika pa sa akin na nagkikita nang lihim o pasikretong nagkikita si Daniel at si Andrea,” pagpapatuloy ni Ogie.

Aniya, nagtataka siya sa chika dahil alam niyang sobrang mahal ng Kapamilya actor ang kanyang longtime girlfriend at ka-loveteam.

Nabanggit rin ng source ni Ogie ang naging pananamit lately ni Kathryn na medyo sexy samantalang conservative si Daniel Padilla.

Ang sabi pa raw ng kanyang source ay kung totoong in a relationship pa ang KathNiel ay mag-aantay na lang siyang mag-post ang dalawa ng larawan na magkasama.

Going back to Andrea, matatandaang una na ring naichika ng talent manager na tila ayaw ni Kathryn na makasama sa kahit na anong project si Andrea. Pero bago pa ito ay nagkasama naman sila nina Daniel sa teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo” kung saan gumanap si Blythe bilang si Lia.

Bukod pa rito, aminado si Andrea na crush niya ang aktor at minsan ring na-link sa isa’t isa.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag ang kampo nina Daniel Padilla, Kathryn, at Andrea ukol sa isyung ito.

Bukas naman ang Bandera para sa pahayag ng mga personalidad na kabilang sa nagte-trending na isyu ukol sa kanila.

Related Chika:

Andrea Brillantes hindi takot sa ahas: May mga kilala naman akong ganito

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla among top celebrity taxpayers of 2022

TAGS: Daniel Padilla Andrea Brillantes, Kathryn Bernardo
Latest Stories
Most Read