Celebrities

Bea ingat na ingat ngayon sa relasyon nila ni Dominic: Nakakahiyang paulit-ulit magkamali

“ANG ganda kasi ng (mga) pictures, nakakapanghinayang na hindi i-share,” ang masayang sabi ni Bea Alonzo sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas para sa GMA news YouTube channel.

Isang buwang napahinga si Bea kasama ang aktor na si Dominic Roque sa Amerika.

Ang mga larawang sabi ni Bea ay ang mga sweet moments nila ni Dominic sa mga lugar na pinuntahan nila sa Amerika tulad ng Napa County, Yosemite National Park at marami pang iba.

Hindi diretsong sinabi ni Bea na boyfriend na niya si Dominic pero sabi nga nila, “actions speak louder that words.”

Ang paliwanag ng aktres kung bakit ngayon lang siya nag-share tungkol sa buhay pag-ibig niya, “To be honest it wasn’t as if like masyado kong pinlano, or masyado akong nag-hold back it just came out naturally. And alam ko na prior sa posting marami ng haka-haka ang mga tao, actually maraming nagtatanong.

“It’s not like I’m trying to hide it. I think I was trying to be careful kasi given my past experience, siyempre gusto kong masiguro muna kung saan pupunta (ang samahan nila) bago gawing official o public.

“Sabi nga we only live once and happiness is best when shared and I want to share my happiness and I appreciate that they’re happy for me kasi nga naiintindihan kung saan ako nanggagaling, kung saan ako ngayon at kung saan ko gustong pumunta.

“I am happy (now) that everything so light, everything so celebrated, gusto kong i-celebrate about my life, these current things nahihiya akong sabihin… my lovelife,” masayang kuwento ni Bea.

Sobrang nag-iingat talaga ngayon ang aktres dahil nga sa mga naging karelasyon niya ay sa tingin niya ay nagkamali siya pero sinabihan siya ni Nelson na hindi naman nito kasalanang magkamali.

“Masyado akong careful, I’m afraid na magkamali in front of public kasi unang-una masakit at pangalawa nakakahiyang paulit-ulit magkamali pero naisip ko naman na ganu’n ang buhay dahil choices ko rin, I chose that person.

“Ganu’n talaga ang buhay nagkakamalik ka bumabangon ka and you learned from your mistakes and you move on pag nagkamali ka ulit at least you tried.

“Eversince naman hindi ako masyadong open sa past relationship ko, I think ang most treasured moments ay ‘yung mga hindi nasi-share sa social media and I wanna keep it that way,” katwiran ni Bea.

Sa kasalukuyan ay nasa 10-day quarantine si Bea pero panay naman ang zoom meeting niya para sa kanyang upcoming projects.

TAGS: Bea Alonzo, Dominic Roque
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.