cdn mobile

Isko ipinagtanggol ni Remulla sa mga hubad na litrato: Hindi siya nagnakaw at wala siyang pinatay

By: Ervin Santiago - Bandera | August 11,2021 - 02:42 PM

Isko Moreno

Manila Mayor Isko Moreno       |Inquirer.net

NAKAHANAP ng kakampi si Manila Mayor Isko Moreno sa katauhan ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa gitna ng panghihiya sa actor-politician dahil sa mga dati niyang sexy photos.

Nitong mga nakaraang araw ay muling naglabasan sa social media ang mga litrato ni Yorme na nakahubad at nakasuot lamang ng underwear na kuha noong dekada 90.

Kuha ang mga ito sa mga pictorial ng alkalde ng Maynila para sa mga ginawa niyang mga pelikula noong kasagsagan ng kanyang showbiz career.

May mga nangnega kay Isko dahil sa kumakat na mga litrato sa internet at ikinonek pa sa plano nitong pagtakbo bilang pangulo sa 2022 elections. Ngunit may mga dumepensa at kumampi naman kay Yorme at nagsabing wala namang isyu ang mga sexy photos.

Ipinagtanggol nga ni Jonvic Remulla si Isko sa kontrobersyang ito, aniya “He did not break any laws by joining showbiz in his youth nor by posing sexy in photos.

“Yorme did not do those provocative poses while in office as a respected councilor, vice mayor or as the current Manila Mayor,” sabi pa ni Remulla sa kanyang Facebook post.

Aniya pa, “Hindi ito isyu. What’s important is that Yorme NEVER LIED, DID NOT STEAL, KILL nor did he ever brought shame to the great people of Manila as a public servant.”

Remulla

Cavite Governor Jonvic Remulla    | Inquirer.net

Sabi pa ng gobernador, wala siyang nakikitang masama sa mga ginawa noon ng alkalde ng Maynila dahil nagtrabaho lang daw ito para sa kanyang pamilya.

“Sa palagay ko, ang nais lamang ni Yorme noong mga panahon na iyon ay ang maiahon ang kanyang pamilya sa kahirapan.

“He was very young then. I am sure the limelight was quite tempting for a young lad from a very poor background. And why not? The opportunity for him to earn a living was readily available.

“Ang paghatol sa kalaban sa pulitika ay dapat tungkol sa kaniyang kakayanan bilang Serbisyo Publiko at hindi paninira lamang base sa kaniyang nakaraan o noong siya ay bata pa,” matapang pang pahayag ni Remulla.

Hindi nagbanggit ng mga pangalan ang governor sa kanyang FB status ngunit nito lamang nakaraang araw ay nagkomento si President Rodrigo Duterte tungkol sa isang Metro Manila mayor na mukha raw call boy dahil sa mga hubad na larawan nito sa socmed.

Wala ring sinabing pangalan ang pangulo ngunit tanging si Isko lamang ang mayor sa Metro Manila na may mga kumalat na sexy photos sa internet nitong mga nakararaang araw.

Samantala, sinabi rin ni Remulla na nagkaroon din sila ng mainitang pagtatalo ni Isko nitong unang quarter ng taon ngunit hindi sila nagpersonalan.

Kung matatandaan, sinita ni Remulla si Yorme nang sabihin nito na hindi umano tinulungan ng provincial government ng Cavite ang mga Manileño na na-relocate sa Naic.

“Yorme, alam ng lahat ang ambisyon mong maging Pangulo. Wala namang isyu doon. Libre mangarap ang kahit sino. Pero sana ay huwag mong tapakan ang iba para lamang umangat ka. Hindi ka pa nga Pangulo ay ang yabang mo na,” ang sabi noon ni Remulla sa kanyabg social media post.

Aniya, nag-sorry na si Isko sa kanya at nagkapatawaran na rin sila, “Walang personalan. Trabaho lang. Ang paghuhusga ay ilaan na lamang po natin sa mga taong lumabag sa batas.

“Yorme should not be judged on such juvenile merits. Let his record of governance speak for itself,” ang pahayag pa ni Remulla.

Read more: https://bandera.inquirer.net/290463/yorme-ipinagtanggol-ni-remulla-sa-mga-hubad-na-litrato-hindi-siya-nagnakaw-at-wala-siyang-pinatay#ixzz73D9BN67q
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read Next

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TAGS: election 2022, President Rodrigo Duterte, social media
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.