Kisses sa pagrampa sa Miss Universe PH 2021: I think I deserve the crown!
NANINIWALA ang young actress at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Kisses Delavin na may karapatan siyang manalo bilang Miss Universe Philippines 2021.
Ayon kay Kisses, handang-handa na siya sa mga magiging “duties and responsibilities” ng pagiging beauty queen sakaling siya ang makapag-uwi ng titulo at korona.
Naikuwento ng dalaga na hindi talaga madali ang kanyang journey sa national competition kung saan isa nga siya sa mga masuswerteng kandidata na nakapasok sa Top 30.
Talagang kinarir ng young actress ang lahat ng online challenges at elimination rounds sa pageant, kabilang na ang question and answer portion.
“In the training kasi they want you to think about your life story, what you want to share, which version of you. And what really stood out to me is that I’m a miracle baby,” pahayag ni Kisses sa panayam ni Boy Abunda sa kanyang vlog.
Isa raw sa mga naitanong sa kanya sa Q&A ay kung ano ang nais niyang sabihin sa lahat ng mga taong sumusubaybay sa nasabing pageant.
“I answered that by saying, I’m ready. I want the people to know that this Miss Universe job is something that I am ready for,” ani Kisses.
Ipinagdiinan din ng dalaga na naniniwa siya na deserving siyang pumalit sa trono ni 2020 Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.
“I think I deserve the crown because I have been preparing for this my whole life. The world has prepared me for this.
“The experiences that have been given to me, the love. Because I am able to give so much love because I have received that love from my mom and dad,” aniya pa.
Ngayon pa lang ay abangers na ang madlang pipol sa Miss Universe Philippines 2021 coronation night na magaganap sa Sepr. 25. Ang mananalo rito ang siyang magiging bet ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 na gaganapin naman sa Israel sa darating na December.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.