cdn mobile

‘Super Lola’ sa Pampanga 102 years old na, meron nang mahigit 100 apo; wala ring sakit at maintenance medicine

By: Ervin Santiago - Bandera | October 30,2022 - 01:52 PM

MAITUTURING na isang “superwoman” ang isang lola sa Lubao, Pampanga na nag-celebrate ng kanyang 102 years old nitong nagdaang Mayo.

Siya si Leonora Ibay na tubong-Barangay Santiago, Lubao, Pampanga na isinilang noong May 20, 1920. Sa kanyang edad na 102 malakas pa rin si Lola at walang iniindang karamdaman.

Ayon sa Pampanga Information Office, isa si Lola Leonora sa pinakamatandang Kapampangan na nabubuhay ngayon base na rin sa report ng Provincial Social Welfare and Development Office.

Kamakailan lamang ay nakatanggap si Lola Leonora ng P100,000 bilang cash incentive mula sa provincial government ng Pampanga.

Ito’y bilang bahagi na rin ng pagpapatupad sa programa ng pamahalaan bilang pagkilala sa lahat ng mga senior citizen na may edad 95 years old pataas sa kanilang naging kontribusyon sa society.

Bukod dito, qualified na rin siyang makatanggap ng P100,000 cash incentive mula sa national government through Department of Social Welfare and Development alinsunod sa Republic Act No. 10868 o ang “Centenarians Act of 2016.”

Sabi pa sa ulat ng Pampanga Information Office, sa kanyang edad na 102 at bilang isa sa mga nabubuhay pang centenarian sa Pilipinas, ay strong pa rin siya at nakapaglalakad pa nang maayos.

Bukod pa rito, wala pa rin siyang tine-take na anumang maintenance medication. Malinaw pa rin ang kanyang pagsasalita kaya hindi mo aakalaing wala pa siyang 100 years old.

More than 100 na rin ang mga apo ni Lola Leonora mula sa kanyang 18 anak.

Sa interview ng GMA kay super lola last October 27, sinabi nitong wala naman talaga siyang sikreto sa pagkakaroon ng malusog na pangangatawan.

“Ewan ko bakit hindi ako tumatanda. Nasa Diyos iyan at sa mga bata, sa mga anak ko,” sabi ni Lola Leonora na palagi pa ring nakatutok sa sandamakmak na apo.

“Marami akong iniisip para sa kanila (mga apo) para sana mag-unlad ang kanilang buhay,” dagdag pa niya.

RELATED STORIES

Lola Pacita loves whisky, humba and lives to 100

Netizen shares heartwarming photos of 97-year-old lola and her ‘apo sa tuhod’

Centenarian from Danao gets P100,000

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read Next

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TAGS: Cebu Daily News, Pampanga
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

This is an information message

We use cookies to enhance your experience. By continuing, you agree to our use of cookies. Learn more here.