Showbitz

Jessy Mendiola nanganak na sa panganay nila ni Luis Manzano bago mag-Bagong Taon

Jessy Mendiola nanganak na sa panganay nila ni Luis Manzano bago mag-Bagong Taon

Jessy Mendiola at Luis Manzano

NANGANAK na si Jessy Mendiola-Manzano noong December 29, 2022 sa Medical City.

Ito’y base sa kuwento ni Nanay Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika na “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 News FM nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa mensahe ng CFM’er na si Siony Sebastian na binasa ni ‘Nay Cristy sa kanilang programa, “Tinawagan niya ‘yung manugang ng kumare niya na nagtatrabaho sa Medical City para i-confirm kung totoo nga ang mga detalye ng panganganak ni Jessy.

“Ang sabi niya (Siony) sa akin, ‘in-admit po si Jessy sa Medical City December 28 (Miyerkoles) po tapos kinabukasan December 29 nanganak si Jessy Manzano kaya January 1 po, na-discharge na po siya,” ayon sa binasang message ng veteran entertainment columnist.

Ayon pa kay sa “CFM” host ay kapalitan niya ng mensahe si dating Congresswoman Vilma Santos-Recto bago mag-Bagong Taon pero wala naman daw itong nabanggit tungkol sa panganganak ng manugang niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@jessymendiola)

Say ni ‘Nay Cristy ay na naiintindihan niya na hindi dapat manggaling sa aktres at dating kongresista ang balita kundi sa anak na si Luis at sa asawang si Jessy.

Sabi rin ni Romel Chika na baka hinahanapan lang ng timing nina Luis at Jessy kung kailan nila ilalantad si Baby Peanut tulad din ng hindi nila kaagad pag-amin na  buntis na si Mrs. Manzano.

Anyway, wait na lang natin kung kailan ipakikilala nina Luis at Jessy  ang kanilang panganay na anak sa madlang pipol.

RELATED STORIES

LOOK: Jessy Mendiola, Luis Manzano give glimpse of baby’s face

WATCH: Luis Manzano, Jessy Mendiola give tour of new custom van

 

 

TAGS: Cebu Daily News, Jessy Mendiola, Luis Manzano, Showbiz news
Latest Stories
Most Read