Showbitz

Hiling ni Skusta Clee: Si Bia lang sa birthday ko

Hiling ni Skusta Clee: Si Bia lang sa birthday ko

MUKHANG miss na miss na ng Ex-Battalion member na si Skusta Clee ang anak niya kay Zeinab Harake na si Bia.

Sa kanyang Facebook post nitong February 9 kasi ay tila nagpaparinig ang singer-rapper na nais niyang makapiling ang kanilang baby girl.

“Kahit si Bia lang sa birthday ko,” maikling Facebook post ni Skusta.

Sa darating na Huwebes, February 16 kasi ang ika-27th birthday ng singer.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang post ni Skusta Clee.

“Kumukulit ka nanaman ahh,” saad ng isang netizen.

Pagtatanggol naman ng isa kay Skusta, “Kulet ng mga tumatawa dito e no ! Walang perpektong relasyon. Walang perpektong magulang ! Pag naranasan nyong ilayo sainyo anak nyo Mararamdaman nyo nararamdaman nya ! Di sa pinagtatanggol ko sya ! Pero pag family matters na dapat alam nyong labas na kayo Dyan . Kahit sobrang hate nyo Yung tao ! Godbless us all.”

Chika naman ng isa, “hindi nila alam siguro feeling na kung yung nanay ayaw sa iyo ipakita ung anak mo. it’s very painful. I mean gets ko ung iba kung bakit ka ni haha..pero alam kong mahal mo anak mo bro.. ung iba lang tlga bastos kasi di nila alam yung pain. fuck them. kwento tlga ikw masama lagi.”

Wala pa namang pahayag si Zeinab patungkol sa post ni Skusta at kung ipapahiram ba niya ang anak sa ama nito.

Well may mga netizens naman na nagsasabing huwag na lang ipahiram o huwag hayaan ni Zeinab na makita ng Ex-Battalion member ang kanilang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Skusta Clee (@extraordinaryl)

“Kung ako kay zeinab hindi ako papayag na mahawakan o makita ang anak ko, bakit? Unang una sa lahat hindi nya nagampanan ang isang responsibilidad bilang isang ama,” sabi ng isang netizen.

Hirit pa ng isa, “Kng q ky zeinab ayw q ipakita anak nya sa tatay nyang iresponsable after iniwan nya mg ina at nambabae deserve mo mawala anak mo sayu.”

Matatandaang nitong nakaraang taon lang na g kumpirmahib ni Zeinab na tuluyan na silang naghiwalay ni Skusta matapos niyang malaman na niloloko siya nito.

Noong una raw ay pinilit pa ni Zeinab na maayos ang kanilang problema habang ipinagbubuntis niya ang ikalawa sana nilang anak na si Baby Moon ngunit hindi na talaga naayos kaya naghiwalay na sila ng landas.

Bagamat wala pang kumpirmasyon ay tila may bagong girlfriend na si Skusta na si Vivamax sexy star Ava Mendez habang nananatili namang single si Zeinab.

RELATED STORIES

Zeinab Harake super happy sa piling ng bagong dyowa; todo pasalamat sa pagmamahal, tiwala ni Rhea Tan

Zeinab Harake tells it all in Mother’s Day episode of Toni Talks

TAGS: bia, Cebu Daily News, Showbiz news
Latest Stories
Most Read