Showbitz

Ruffa Gutierrez natalo sa kaso, magbabayad ng danyos sa dalawang kasambahay

Ruffa Gutierrez

Ruffa Gutierrez. | File photo

NANALO pala ang dalawang kasambahay na nagdemanda kay Ruffa Gutierrez at kinakailangan niyang magbayad ng danyos base sa utos ng korte.

Matatandaang noong buwan ng Hulyo 2022 ay pinalayas ng aktres ang dalawang kasambahay sa bahay niya sa Alabang na dalawang linggo palang naninilbihan sa dahilang nakaalitan nila ang mayordoma ng aktres na 18 years na sa kanyang nanunungkulan.

Ang dalawang kasambahay ni Ruffa ay galing pa ng Mindanao kaya hindi kaagad sila makauwi bukod pa sa wala umanong pamasahe kaya’t sa labas ng gate ng subdibisyon sa Ayala, Alabang tumambay ang dalawa na nakita naman ng mga doon din nakatira.

Ang mga nakakita sa mga dating kasambahay ay kaibigan ng dating komisyoner ng Philippine Commission on Elections mula 2015 hanggang 2022 ng administrasyon ng namayapang Presidente Benigno Aquino III na si Atty. Rowena Guanzon.

Nag-tweet noon si Ms Guanzon tungkol dito hanggang sa nagkasagutan na sila ng aktres.

Nangako naman ang abogada na tutulungan niya ang dalawang kasambahay ni Ruffa.

Nagsampa ng reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) ang dalawang kasambahay at pinagharap ang dalawang panig ng Setyembre 2022 para mag-ayos pero parehong tumanggi kaya natuloy na ito sa korte.

At noong Setyembre 2022 rin lumabas na ang desisyon ng korte base sa binasang resolusyon ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” YouTube channel nila ni Mama Loi kasama sina Ate Mrena at Tita Jegs na in-upload kagabi.

Sabi ni Ogie, “Nanalo ‘yung dalawang kasambahay na pinaalis ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Alabang house at nandoon ‘yung dalawa sa gate ng Ayala Alabang village.

“Noong September 2022 ay sinubukang pag-ayusin sina Ruffa at ang dalawang kasambahay pero parehong ayaw ng compromise kaya’t itinuloy ang kaso.

Walang apelang natanggap ang korte mula sa kampo ni Ruffa kaya’t dinisisyunan ng bayaran niya ang dalawang kasambahay sa halagang P13,299.92 at unpaid wages pro-rated 13th month pay sa loob ng sampung araw pagkatanggap nito ng Notice of Finality of Decision mula sa Department of Labor and Employment.

Kuwento pa ni Ogie, “kilala ko naman si Ruffa, in fairness mabait naman ang batang ‘yan.  Ilang beses na kaming nagkakausap niyan at nakikita kong mabait si Ruffa pero siyempre hindi naman ako ‘yung naging kasambahay ika nga.

“Sila ‘yung merong experience o kuwento about Ruffa at ngayon ay nabigyan ng pansin ng DOLE and I’m sure si Ruffa ay tutugon sa desisyon na ito at maliit na bagay at maliit na halaga para hindi tuparin ni Ruffa ang kanyang obligasyon doon sa dalawang kasambahay.

“Sana matapos na ito at the end of the day, siguro gusto lang patunayan nang dalawang kasambahay na hindi totoo ‘yung mga ibinibintang sa kanila noong sila’y napalayas sa bahay nina Ruffa at ika nga’y nakakahinga na sila ng maluwag sa iisipin ng tao na sila’y may kasalanan o nagnakaw sa bahay ni Ruffa.”

At magsilbing aral daw ang pangyayaring ito sa lahat ng mga kasambahay at amo.

“Siguro lesson na rin ito sa lahat maging sa akin na ang pag-trato sa mga kasambahay ay para ring kapamilya.  At siyempre sa mga kasambahay kapag itinuring kayong kapamilya patunayan ninyo na kahit hindi kayo magkadugo, e, alam ninyong maasahan kayo ng inyong mga employer sa lahat ng bagay lalo na ang tiwala huwag ninyong sasayangin,” payo ng kilalang talent manager at content creator.

Sa kasalukuyan ay walang kuwento pa si Ruffa Gutierrez tungkol sa isyung ito at bukas ang BANDERA sa panig niya.

RELATED STORIES

2 dating kasambahay ni Ruffa naghain na ng pormal na reklamo sa NLRC para sa ‘backwages & damages’

Ruffa Gutierrez denies firing house helpers without paying their salaries

TAGS: Cebu Daily News, Ruffa Gutierrez, Showbiz news
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.