PORMAL nang naghain ng reklamo ang dalawang dating kasambahay ng aktres at former beauty queen na si Ruffa Gutierrez.
Sa National Labor Relations Commission (NLRC) dumulog ang mga dating helpers ni Ruffa na nagrereklamo sa ginawa umanong pagpapalayas sa kanila pati na ang hindi raw pagbabayad sa kanilang serbisyo.
Sa kanyang Twitter account, kinumpirma ito ni dating Commission on Election (COMELEC) commissioner at 3PWD 1st nominee Rowena Guanzon na siyang tumutulong sa mga dating kasambahay ni Ruffa.
Ipinost din Guanzon sa Twitter ang imbitasyon ng NLRC sa aktres para sa magaganap na mediation conference sa darating na July 27.
“The 2 former kasambahay of Ruffa G wna taka kabankalan negros occidenral filed a complaint in the NLRC for backwages and damages,” ang nakasaad sa tweet ni Guanzon.
Kamakailan, ibinahagi ni Guanzon sa social media noong July 7 ang tungkol sa naging reklamo ng mga kasambahay laban kay Ruffa na mariin namang itinanggi ng anak nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.
View this post on Instagram
“Hello Ms. Guanzon, No it’s not true.
“The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years),” paglilinaw pa ni Ruffa.
Dahil sa isyung ito, nagpalitan din ng maaanghang na salita sina Rowena Guanzon at Annabelle Rama sa social media. Ngunit pagkatapos nito, hindi na sumagot pa ang mag-ina sa mga patutsada ng kongresista.
Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Ruffa sa inihaing reklamo ng mga dati niyang kasambahay.
RELATED STORIES
Ruffa Gutierrez: ‘Trust in God’s perfect timing’
Ruffa Gutierrez posts a cryptic message: ‘Be kind to everyone, including your ex’