Celebrities

Jeremy Jauncey kasapi na ng ‘Bullied Husbands Club’, ni-recruit agad ni Nico Bolzico

Separate photos showing Jeremy Jauncey and Nico Bolzico.

Jeremy Jauncey, Nico Bolzico

MARAMING netizens ang muling napatawa ng asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico.

Paano ba naman kasi, na-recruit kaagad ng Argentinian businessman ang mister ni Pia Wurtzbach na si Jeremy Jauncey sa “Bullied Husbands Club (BHC).”

Makikita sa isang Instagram post ng newlyweds na nag-comment si Nico at sinabing, “Welcome to the #BHC @jeremyjauncey.”

Para sa mga hindi pa masyadong aware, ang nasabing organisasyon ay binuo mismo ni Nico na ang intensyon ay magkalat ng good vibes sa social media.

Sa nasabing grupo, ibinabandera nila ang mga karanasan sa pagiging mister ng isang celebrity, ngunit ‘yan ay nasa kwelang paraan ng pagpo-post.

BHC rules

Anyway, naging agaw-pansin nga ang naging komento ni Nico at libo-libong likes na ang kanyang nakukuha.

Maraming netizens din ang nag-reply sa kanyang comment at karamihan ay tawang-tawa.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Hahahaha! Lahat na lang nire-recruit mo! [laughing emoji].”

“Omg hahahaha! I hope Jeremy will read the BHC rules [laughing emojis].”

“I can’t wait for a collab!!!! Hahaha [red heart emojis].”

Bukod kay Jeremy, kinokonsidera rin ni Nico bilang miyembro ng BHC ang mister ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff.

Intimate wedding

Samantala, nitong May 5 ay ibinandera ni Pia ang naging intimate wedding nila ni Jeremy sa isang beach sa North Island sa Seychelles.

Mukhang late post ang shinare na special moment ni Pia dahil makikita sa caption na tila noong March 24 pa sila ikinasal.

Marami ang nagulat sa bonggang balita ng beauty queen at libo-libo ang nagpaabot ng pagbati sa kanyang bagong journey bilang Mrs. Jauncey.

RELATED STORIES

Pia Wurtzbach and Jeremy Jauncey are now engaged

Nico Bolzico uploads 5th and last episode of #BHCNews

Nico Bolzico sends hilarious ‘home updates’ while Solenn is on a trip to Italy

TAGS: Jeremy Jauncey, Nico Bolzico, Pia Wurtzbach, Showbiz news, Solenn Heussaff
Latest Stories
Most Read