Sanggol patay matapos banlian ng kumukulong tubig, suspek arestado

By: Ervin Santiago May 17,2023 - 08:08 PM

File photo showing the feet of a new born baby for story: Sanggol patay matapos banlian ng kumukulong tubig, suspek arestado

File photo

PATAY ang 3-buwang gulang na sanggol  matapos umanong buhusan ng kumukulong tubig ng isang lalaking nag-aalaga sa kanya sa Cainta, Rizal.

Arestado at nakakulong na sa Cainta Police Station ang 18-anyos na suspek na kinilalang si John Melvin Caino at residente ng Basilio Room for Rent,  sa Sampaguita St., Ampalaya Compd., Sitio Halang, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek matapos ngang mamatay ang sanggol na binanlian niya umano ng kumukulong tubig.

Ayon sa report ng Cainta Municipal Police Station, nadiskubre ang bangkay ng biktima ng mga kapitbahay bandang alas-10:30 ng umaga nitong Lunes, sa loob ng kanilang bahay.

Sabi ni PMAJ Alfonso Saligumba, hepe ng Cainta Police, pumasok sa trabaho ang ina ng biktima at iniwan ang mga anak sa suspek na itinuturing na rin niyang parang tunay na kapatid.

Batay sa salaysay ng suspek, paliliguan daw sana niya ang baby kaya nagpakulo ng tubig pero bigla na lang daw nawala sa sarili ang suspek at ibinuhos sa sanggol ang kumukulong tubig.

Dahil dito, nagtamo ng matinding lapnos sa buong katawan ang walang kamalay-malay na bata na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Ayon naman sa mga kapitbahay pamilya ng biktima, nitong nagdaang Lunes nang madaling-araw, lumabas daw ang suspek karga ang kapatid ng biktima at inihabilin sa kapitbahay at nangakong babalik agad.

Ngunit alas-8 na ng umaga ay hindi pa rin bumabalik ang suspek kaya naman nagdesisyon na ang mga kapitbahay na puntahan ito sa bahay ng biktima at doon na nga nila nadiskubre ang naganap na krimen.

Sa isinagawang police operation, agad namang naaresto ang suspek sa bahay ng kanyang mga magulang sa San Jose del Monte, Bulacan.

RELATED STORIES

A brother’s love: Boy from Tabok, Mandaue assumes responsibility of caring for his younger siblings

A brother’s promise to two siblings sent to kids’ center: I will take you back once I have a job

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read Next

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TAGS: Murder, police, rizal

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies. To find out more, please click this link.