Celebrities Life!

Kathryn pak na pak ang pasabog na pictorial: ‘Ay ang bangis! Nanglalamon ang kagandahan at kaseksihan!’

Kathryn Bernardo

Kathryn Bernardo. | Bandera

NAPA-WOW at napa-sana all na lang ang mga netizens kabilang na ang KathNiel supporters sa bagong pasabog na pictorial ni Kathryn Bernardo.

E, kasi naman, talagang mapapanganga ka na lang habang pinanonood ang isang short video clip ng ginawa niyang latest pictorial kung saan nag-uumapaw ang kanyang kagandahan at kaseksihan.

Ang nasabing video ay makikita sa Instagram account ng stylist na si Boop Yap, na kuha raw sa photoshoot para sa isang jewelry brand.

In fairness, medyo daring at palabang Kathryn ang masasaksihan sa video, lalo na ang kanyang pa-cleavage sa kanyang sexy OOTD na talaga namang ikina-shock ng ilan niyang tagasuporta.

Tanong nga ng ilang netizens, nagpaalam kaya si Kath sa kanyang boyfriend na si Daniel Padilla bago niya gawin ang sexy pictorial? Aprubado nga kaya ito ni DJ o matagal na nila itong napag-usapan.

Well, wala namang masama o offensive sa ginawang pictorial ni Kathryn. Sa katunayan mas lumabas at lumantad pa ang kanyang classic beauty sa nasabing pictorial, patunay na kering-keri niyang magpaka-wholesome at magpakaseksi.

Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa pinakabagong photo session ng Box-office Queen at award-winning actress.
“Ay ang bangis… nangangain, nanglalamon ang kagandahan nya. kaya kay Kath lang ako eh.”

“Grabeh super pretty and sexy mo KATHRYN.”

“GRABE KA NA KATHRYN AT GRABE TALAGA NG KIM AND BOOP MAPAPA-TANG I*A KA NA LANG TALAGA GANDA TALAGA NG TEAM NA TO.”

“Walang katapusang ganda at kasexyhan Miss Kath.”

“Gumanda nang sobra si Kathryn.”

READ MORE: 

LOOK: Dolly de Leon, Kathryn Bernardo bond in ‘fun, casual meetup’

TAGS: Celebrities, Photos
Latest Stories
Most Read