Life! Showbitz

Issa Pressman nagdiwang ng 26th birthday kasama sina James Reid, Yassi, Julia Barretto

Photos showing Issa Pressman, James Reid, Yassi, Julia Barretto from Pressman's 26th birthday celebration.

PHOTO: Instagram/@pressmanissa

IBINANDERA ni Issa Pressman ang masayang pagdiriwang ng kanyang 26th birthday.

Makikita sa kanyang Instagram na nagkaroon siya ng intimate celebration kasama ang rumored boyfriend na si James Reid, ang kanyang kapatid na si Yassi at ang aktres na si Julia Barretto.

Spotted din sa pictures na hinahalikan at niyayakap siya ni James, pati ng kanyang kapatid.

Caption pa niya sa IG, “mi birthday && mi life’s gifts.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐈𝐒𝐒𝐀 🧿 (@pressmanissa)

 

Bmuhos naman ang birthday greetings para kay Issa at ilan sa mga nagkomento ay ang internet personality na si Mikaela Martinez at professional basketball player na si Kobe Paras.

“Happy Birthday [red heart emoji],” sey ni Mikaela.

Lahad naman ni Kobe, “issa vibeee.”

Noong Abril lamang ay umani ng iba’t-ibang reaction sina James at Issa matapos mahuling magkasama sa Palawan.

Hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon sa tunay na relasyon ng dalawa, pero ilang beses na nilang ibinabandera sa social media ang pagiging sweet sa isa’t-isa.

At isa na nga riyan ay ‘yung nanood sila ng concert ng British singer-songwriter na si Harry Styles na naganap sa Bulacan noong Marso.

Matatandaang inakusahan noon ng netizens si Issa na siyang dahilan ng breakup nina James at aktres na si Nadine Lustre noong 2020.

Ngunit ‘yan ay pinabulaanan ni Yassi kamakailan lang at nilinaw pa na walang matinding away o big issue sa pagitan nila ng aktres.

“Sige po para tapos na po, ha. Isang beses ko lang po ‘tong sasabihin. Wala pong problema,” panimulang pahayag ng dalaga matapos siyang tanungin sa isang presscon.

“Kami po ni Nadine, okay po kami. Okay rin po ‘yung buong pamilya namin. At siyempre po, bago po nag-public ang lahat, lahat po naasikaso in private. So, lahat po walang problema,” ang sabi pa ni Yassi.

RELATED STORIES

Yassi surprised over Issa and James’ relationship, but asserts all is well with Nadine

TAGS: birthday, Issa Pressman, James Reid, Julia Barretto, Showbiz news
Latest Stories
Most Read