Life! Showbitz

Lovi Poe nagpaalam muna sa ‘Batang Quiapo’ ni Coco Martin, nagpe-prepare na sa kasal nila ni Monty Blencowe?

Monty Blencowe at Lovi Poe

Monty Blencowe at Lovi Poe

IKAKASAL na nga ba ang aktres at singer na si Lovi Poe sa kanyang fiancé na si Monty Blencowe pagkatapos umaming matagal na silang engaged?

Sitsit sa amin ng aming source, nag-advance taping ang dalaga para sa teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo” dahil matagal siyang mawawala.

Nagkataon namang ipinost ni Lovi sa kanyang Instagram account ang video ng kanyang pag-amin na engaged na sila ng kanyang long-time boyfriend na si Monty, isang film producer.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

At dahil isinapubliko na ng Kapamilya actress na engaged na siya ay iisa ang tanong ng madlang pipol, “kailan ang kasal?”

Base naman sa mga komento ng kanilang malalapit na kaibigan ay ayaw nilang pangunahan sina Lovi at Monty, mas magandang hintayin na lang daw ang kanilang announcement.

Sa madaling salita ay isa sa mga araw ngayong 2023 o sa mga unang buwan ng 2024 ay ikakasal na ang engaged couple? At kaya pumunta ng ibang bansa ang aktres ay baka may aasikasuhin sila ni Monty.

Sa pagkawala ni Lovi sa “Batang Quiapo” ay may papasok daw na kilalang aktres na matagal nang umuungot kay Direk Coco Martin na sana’y bigyan siya ng pagkakataong mapasama sa serye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe)

 

Bigla naming naalala si Sharon Cuneta na laging nananawagan kay direk Coco na sana’y mapasama siya sa “Batang Quiapo” kahit tindera ang role sa gilid-gilid ng Quiapo o isa sa mga Marites (tsismosa) na kapitbahay.

Nagtanong naman kami sa taga-Kapamilya network tungkol sa karakter ni Lovi sa “BQ” at kung sino ang bagong  papasok sa serye pero hindi pa kami sinasagot hanggang sa matapos naming sulatin ang balitang ito.

Samantala, base sa umereng kuwento nitong Miyerkoles ay tuluyan nang bumigay si Mokang (Lovi) kay Ramon (Christopher de Leon) kapalit ng malaking halaga para sa kakailanganin sa operasyon ng amang si Pen Medina at Marciano.

RELATED STORIES

Lovi Poe launches own production company, hopes to continue FPJ’s legacy

Lovi Poe sparks online world with her #FlatAndProud photos

 

TAGS: Coco Martin, Lovi Poe, Showbiz news
Latest Stories
Most Read