Showbitz

Zoren ibinuking na may kilalang aktor na muntik nang makatuluyan noon ni Carmina, si Piolo nga ba yarn?

Carmina, Zoren, Piolo

Carmina Villarroel, Zoren Legaspi at Piolo Pascual

MISMONG ang asawa pa niyang si Zoren Legaspi ang nambuking kay Carmina Villarroel tungkol sa isang sikat na sikat na aktor na muntik na niyang makatuluyan noon.

May napatanong tuloy kung si Piolo Pascual nga ba ang tinutukoy ni Zoren.

Sa 48th birthday celebration ng Kapuso actress at TV host sa Kapuso weekly morning program niya sa GMA 7 na “Sarap ‘Di Ba?” na naganap last Saturday, August 12, napag-usapan ang tungkol sa kanyang past relationships.

Sa segment ng programa na “Igisa Na Yan!”, game na game na sinagot ni Mina ang mga intriguing questions ni Zoren, ng kambal niyang anak na sina Cassy at Mavy, at ang GMA Films President Annette Gozon-Valdes.

Natanong muna ni Annette si Carmina tungkol sa nakaraan nito, “Since matagal na matagal ka nang nasa showbiz, I’m sure maraming nagparamdam sa yo na baka muntik na, pero hindi natuloy. Meron bang ganon? Puwede mong ibulong lang sa akin.”

Sagot ni Carmina, “Wala.” Ngunit umapela nga si Zoren at nag-dialogue ng, “Meron… taga-ibang channel.”

Natatawang sey ng aktres, “Ay, oo pala! Oo nga pala. Tatay, thank you for reminding me. Oo nga, ‘no?! Oo!”

Hirit na biro naman ni Annette, “Ganyan sila ka-close. Alam ni Zoren lahat.”

Baka Bet Mo:  2 hugot ni Carmina tungkol sa isyu ng ‘tiwala’ at mga ‘kontrabida na pa-victim’ may pinatatamaan ba?

“Siguro that time mas mahal ko ang sarili ko at mas inisip ko sarili ko. Pero I’m so happy na hindi kami naging kami, kasi nanatili kaming magkaibigan. Hanggang ngayon.”

Kung hindi kami nagkakamali, mukhang ang tinutukoy ni Carmina ay ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual, base sa isang content ng aktres sa kanyang YouTube channel noong 2020.

Ito yung virtual birthday celebration niya kung saan binati siya ni Papa P. Dialogue ni Piolo sa nasabing virtual chikahan habang nagkukulitan silang dalawa, “Close ba tayo? Sabihin mo sa kanila.”

Tugon ni Mina, “Close tayo! Super close tayo. Sa sobrang close nga, muntikan na kaming maging kami! O, ano?!”

Diretsahang sinabi ng aktor, “Pero dapat tayo, di ba?” Na sinagot ni Carmina ng pag-ubo.

“Umamin ka,” paghahamon pa sa kanya ni Piolo. Sey naman si Carmina, “Na ano? Ano aaminin ko?”

Natawa na lang si Papa P, sabay sabing, “Hindi. Ito kasi, e, kulang na lang ako lumigaw diyan, e.”

In fairness, napanatili nga naman nina Piolo at Mina ang maganda nilang friendship dahil hanggang ngayon ay super close pa rin sila.

ALSO READ:

Piolo Pascual encourages everyone to adopt a healthy lifestyle

Zoren nibuking nga duna kunoy sikat nga aktor nga hapit kaniadto magkadayon ni Carmina, si Piolo kaha ni?

TAGS: Carmina Villaroel, Piolo Pascual, Zoren Legaspi
Latest Stories
Most Read