Life! Showbitz

Rendon binanatan uli si Vice, kailangan daw mag-sorry sa kanya

‘Baka mawalan ka ng show, kawawa naman yung partner mo na umaasa lang sa ‘yo’

Rendon

Vice Ganda at Rendon Labador

AYAW pa ring tigilan ng social media personality at motivational speaker na si Rendon Labador ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda.

Ang gusto kasi ni Rendon, mag-sorry sa kanya ang TV host-comedian para sa kapakanan at katakimikan daw ng bansang Pilipinas.

Idinaan ng kontrobersyal na socmed personality sa kanyang Instagram story ang panawagan niya kay Vice Ganda, at nagbigay pa ng “password” na pwedeng sabihin ng veteran TV host para maging maayos na ang lahat.

“Tandaan mo ang password para sa katahimikan ng Pilipinas: I’m sorry Rendon hindi ko na uulitin,” ang nakasulat sa IG story ni Rendon.

READ MORE: Vice Ganda: ‘Hindi ko na masukat ang yaman ko ngayon’

Hirit pa niya sa Unkabogable Star, “Baka mawalan ka ng show dahil sa pride mo. Kawawa naman yung partner mo na umaasa lang sayo di ba?”
Hindi pa rito nakuntento si Rendon dahil nag-post din siya sa IG kung saan lantaran niyang inutusan ang “It’s Showtime” na mag-issue na ng public apology.

Ang nakabalandra sa Instagram story ni Rendon, “Ipakita mo sa mga taga suporta mo na karapat-dapat ka sa suporta nila.

READ MORE: Rendon Labador: ‘This is the end of Vice Ganda’s era!’

“Mag-PUBLIC APOLOGY ka na para makuha mo ang respeto ko. Madami kang taga suporta na mahina ang utak, tulungan natin sila,” ang matapang na hirit pa ni Rendon.

Ang punto ng pangangaral ni Rendon, baka raw makatulong nang malaki ang simpleng paghingi ng sorry sa publiko nina Vice Ganda at Ion Perez matapos silang parusahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Pinatawan ng 12-day suspension ng MTRCB ang “It’s Showtime” kaugnay ng umamo’y “indecent acts” nina Vice at Ion na nag-ugat sa pagsubo nila ng icing sa kanilang “Isip Bata” segment.

Nilinaw naman ni MTRCB Chairperson Lala Sotto na hindi siya kasali sa mga MTRCB officials na bumoto na suspendihin ang airing ng “Showtime” sa loob ng 12 araw.

TAGS: Celebrities, showbiz, social media
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.