Cristy Fermin kay Vice Ganda: Isang araw may darating na mas magaling sa yo at matatabunan ka

Bandera November 24,2023 - 07:09 PM

Cristy Fermin

Cristy Fermin at Vice Ganda

HINDI napigilan ng kolumnistang si Cristy Fermin ang pumalag sa mga patutsada umano ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Ayon sa kolumnista, may mga pagkakataon daw talaga na hindi na siya makakapagpigil lalo na’t nagmamalabis na ang mga pasaring na kanyang natatanggap.

Panimula ni Cristy Fermin, “Sa maraming pagkakataon mga kapatid, pinalalagpas lang po namin ang mga bira sa amin nitong si Vice Ganda. Noong tinawag niya po kaming tatlo nina Wendell na mga chaka, gusto na naming sabihin na ‘Hiyang-hiya naman po kami sa kanya. Pagka-ganda ganda niya.’

“At gusto na rin po sana naming sabihin na kung hindi naman sa kanyang pera ay hindi siya magkakaroon ng ganyang itsura. At lalong gusto po naming sabihin lalo na ako na ang kagandahan po ng tao ay wala naman sa panlabas kundi nasa kalooban at pwede naming sabihin na siya sa panlabas at panloob, wala namang itinatagong ganda.”

Ang pinagmumulan ng kolumnista ay ang naging eksena sa segment na “Me Choose, Me Choose” ng “It’s Showtime” nitong Huwebes, November 23 kung saan isang contestant na nagngangalang “Cristy” ang tinanong niya kung ano ang pinagkakaabalahan nito maliban sa “pagsisinungaling”.

Bagamat walang diretsang tinukoy si Vice kung sino ang kanyang pinatutungkulan, gets naman daw ng kolumnista na siya ang pinatatamaan ng komedyante.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin ipinagtanggol si KC sa vlogger na puro fake news ang ipinagkakalat: ‘Grabe po talaga, kaya dapat mag-ingat tayo’

“Hindi naman kami ipinanganak kahapon para hindi namin maturol na ako talaga ang pinatatamaan ni Vice Ganda. Ang hindi lang maganda puro patagilid ang kaniyang bira,” saad ni Cristy.

Aniya, bakit raw hindi pa diretsuhin ng “It’s Showtime” host kung sinuman ang gusto nitong patungkulan.

“Eh bakit hindi mo sabihin na, ‘Oy, Cristy Fermin, bukod sa pinagkakaabalahan mo, bukod sa pagsisinungaling ano pa pinagkakaabalahan mo?’ Eh ako diretso ko nasasabi sa kaniya na mayabang siya, ‘di ba? Na wala ka manlang makitang pagpapakumbaba sa kaniya. Diretso kong nasasabi yon, bakit hindi niya rin ako diretsuhin? Eh pu-pwede naman?” sey pa niya.

Nabanggit rin ni Cristy Fermin na kung siya ay nagsisinungaling ay bakit raw di pinatawan ng suspensyon ng MTRCB.

READ: Sharon Cuneta ‘nakatikim’ kay Cristy Fermin: ‘Hindi na naman niya nakontrol ang kanyang sarili’

“Kung ‘yun ay pagsisinungaling bakit kinatigan ang aking pagsisinungaling ng MTRCB at pinatawan kayo ng 12-day suspension? Bakit ang ating mga kababayan ay kumalaban rin sa ginawa n’yo? Bakit kinasuhan ka rin ng hanay ng mga abogado?

Hirit pa niya, buhat raw nang makatikim ng kasikatan si Vice ay “inangkin” na raw nito ang mundo.

Giit pa ni Cristy Fermin, “Na ikaw ang gitna, na ikaw ang araw at umiikot lang ang lahat ng tao sa show business na parang mga planeta sa ‘yo. Dapat mong malaman na planeta ka lang rin na tulad namin at hindi ikaw ang araw.

“Isang araw, darating sa ‘yo ang pagbaba mo. Bababa ka sa pedestal. Hindi pupuwedeng nandyan ka habang panahon. May darating na mas magaling sa ‘yo at matatabunan ka.”

READ: ‘It’s Showtime’ suspension highlights show, industry’s contractualization woes – MTRCB

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Read Next

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TAGS: Cristy Fermin, Vice Ganda

We use cookies to ensure you get the best experience on our website. By continuing, you are agreeing to our use of cookies. To find out more, please click this link.