Life! Showbitz

Kim Chiu inireklamo rin sa MTRCB dahil sa paggamit ng salitang ‘vibrator’ at ‘p*k p*k shorts’ sa It’s Showtime, makatarungan nga ba?

Kim Chiu

HINDI umano natapos ang ginagawang deliberation ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) last week tungkol sa mga reklamo laban sa “It’s Showtime” ng ABS-CBN at “E.A.T.” ng TV5.

Ito ang dahilan kung bakit hindi nakapaglabas ng desisyon o resolution ang MTRCB sa pangunguna ni Chairperson Lala Sotto sa mga ni-review nilang episode ng mga nabanggit na noontime show na nagkaroon daw ng violation.

Ang tinutukoy namin ay ang sinasabing “indecent acts” umano ng magdyowang Vice Ganda at Ion Perez sa isang segment ng “It’s Showtime” na nag-ugat sa “pagkain” nila ng icing sa cake sa harap ng mga bata.

Inireklamo naman ang “E.A.T.” nina Tito, Vic & Joey nang biglang magmura si Wally Bayola on national TV habang nagho-host sila ni Jose Manalo ng “Sugod Bahay mga Kapatid” segment.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Inaasahang ngayong linggo makapaglalabas ng desisyon ang MTRCB hinggil sa mga nasabing reklamo.

Samantala, hindi pa man nareresolbahan ang reklamo kina Vice at Ion ay may bago na namang complaint laban sa “It’s Showtime” na maaaring nakarating na rin sa MTRCB.

Ito’y dahil naman sa “vibrator” statement ng Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu. Base sa mga nabasa naming post sa X (dating Twitter), naganap daw ang insidente sa “Tawag Ng Tanghalan” noong August.

Baka Bet Mo: Vice Ganda, Ion Perez suspendido nga ba sa ‘Showtime’ dahil sa mga reklamong natatanggap ng MTRCB?

Nagkomento kasi si Kim sa performance ng isang contestant sa nasabing segment ng, “Ang ganda ng vibrator ng boses mo.”

Isang simpleng pangungusap na nabigyan nga ng malisya ng ilang netizens na kaagad nagreklamo sa MTRCB. Sana raw ay nag-iisip daw muna si Kim bago magbitaw ng salita on national TV dahil mainit nga ang MTRCB ngayon sa mga violations.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagtatanggol naman ng fans, wala namang malisya ang pagkakabanggit ni Kim sa “vibrator” na ang ibig marahil niyang sabihin ay “vibrato” o isang uri ng timbre ng boses.

Bukod dito, siguradong kasama raw sa dini-discuss ngayon ng MTRCB ay ang isa pang naging pahayag ni Kim Chiu sa isang episode ng kanilang noontime show — ito ay ang pagbaggit niya sa salitang “p*kp*k shorts.”

Pero in fairness, agad naman siyang kinorek ng co-host niyang si Jhong Hilario at sinabing “kwek kwek shorts.” Hirit ni Kim, “Oo, kwek kwek shorts!”

Kayo mga ka-BANDERA, sa tingin n’yo dapat bang ireklamo si Kim dahil sa mga nasabi niyang mga salita on national TV?

Hirit ni Barbie sa paghuhubad ni Jak at pagbibilad ng abs: ‘Bibilhan kita ng shorts ha! Kota na ‘yan, e!’

Marco humirit sa netizen na nagsabing, ‘May anaconda sa shorts mo, bro!’

TAGS: It’s Showtime, Kim Chiu, MTRCB, vibrator
Latest Stories
Most Read
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.