Celebrities

Gerald pinagsisilbihan nang bongga si Julia; muling nag-date sa private resort

IPINOST ni Gerald Anderson sa Instagram kamakailan ang larawan niyang nakaupo sa kanyang private resort na may caption na, “Im just here @hayatiprivateresort.”

Sa tingin namin ay hinihintay ni Gerald ang girlfriend niyang si Julia Barretto sa resort pagkatapos ng lock-in taping ng dalaga sa Subic, Zambales nitong Lunes.

Nitong nagdaang Linggo ay nagtapos sa senior high ang nag-iisang kapatid na lalaki ni Julia na si Leon Barretto na tinulungan niyang mag-aral sa isang magandang eskuwelahan.

Wala ang aktres sa group picture ng mga kapatid na sina Dani, Claudia, Erich at inang si Marjorie Barretto dahil nasa lock-in taping nga siya para sa serye niyang ipalalabas sa TV5.

Pero nitong Lunes ng gabi ay ipinost ng @Jurald.officialfanpage ang video na nasa nasa isang yate ang aktres at kumaway pa sa kumukuha ng video.

Ipinaghanda siya ng seafoods kasama ang mga kaibigan ni Gerald bilang pag-welcome sa kanya pagkatapos ng ilang linggong lock-in taping.

Ang caption na isinulat ng @juralds.officialfanpage sa kanilanh post, “E ‘yung magkasama na sila ngaun. Reunited late dinner! #geraldanderson #juliabarretto.

“Sexy baby welcome back!” sabi pa sa caption.

Dagdag pang mensahe ng @juralds.officialfanpage, “Ge: baby, ‘yung pinagsisilbihan niya c julia iba rin siya!”

Ipinost naman ng nagngangalang Marvin Expedido ng Subic Fishing and Yacht Charter ang yateng sinakyan nina Gerald at Julia na nagpa-picture pa sa dalawa.

Ang caption dito ni @marvs16.subicfishing, “Gorgeous julia visit the fisherman at @subicfishing.yachtcharter. #yachtfishermanlife. Thankyou @andersongeraldjr, @juliabarretto, @juliaanderson9262 @4ever_julia @baerrettoo @juliarald_global.”

Pahabol na post pa ng @Jurald.officialfanpage, “My Favorite place in the is next to you.  #BabyLove.”

 

 

TAGS: Gerald Anderson, Julia Barretto, private resort
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.