Celebrities

LJ dedma lang sa pagso-sorry ni Paolo; super enjoy sa New York Fashion Week sa US

MUKHANG unti-unti na ngang nakaka-move on ang Kapuso actress na si LJ Reyes sa paghihiwalay nila ng kanyang partner na si Paolo Contis.

Habang patuloy na binabatikos si Paolo ng mga bashers sa social media, nagsisilbi namang inspirasyon ng mga kababaihan si LJ dahil sa tapang at matatag na paninindigan nito.

Maraming netizens ang natuwa nang makita nila ang litrato ni LJ habang nag-eenjoy sa New York Fashion Week (NYFW) nitong nagdaang weekend.

Ito ang unang public appearance ng aktres mula nang umalis siya ng Pilipinas at magtungo sa Amerika pagkatapos nilang maghiwalay ni Paolo. Kasama niyang nagtungo roon ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer.

Sa kanyang Instagram Story, sunud-sunod ang mga post ni LJ ng mga kaganapan sa sikat na semi-annual fashion show kabilang na rito ang pagrampa ng international model na si Gigi Hadid.

Aniya, ito ang unang pagkakataon na maka-attend siya sa NYFW kung saan nasaksihan nga niya ang pagbandera ng spring/summer 2022 collection ng American designer na si Brandon Maxwell.

Nagpaka-fan girl ang ex-dyowa ni Paolo nang rumampa na si Gigi Hadid on stage. Ipinost ng niya ang video ng kilalang model at nilagyan ng caption na, “Manay Gigi ang ganda mooooo!!!!!! (bawling faces and faces with heart eyes emojis).

“In English, Ms. @gigihadid YOU ARE SOOOOO BEAUTIFUL!!!!” aniya pa.

Sa isa pa niyang post ito naman ang nakalagay na caption, “My first #NYFW!!! (heart emoji) and it was such an eye candy!!! And can’t get over @gigihadid and these creations!”

Walang ibinahaging litrato niya ang aktres na kuha sa nasabing fashion event, ngunit may ibinahaging video ang isang makeup brand kung saan makikita si LJ habang kinukunan ng picture.

Napakasimple lang ng ayos ni LJ that night — brushed up wet-look hair, sleeveless dark top, loose khaki pants at smokey-eyes makeup — ngunit lutang na lutang pa rin ang kanyang ganda at kaseksihan.

Ayon sa mga netizens, tama lang ang ginagawang pag-eenjoy ngayon ng aktres sa kanyang buhay. Sa halip daw na magkulong siya sa bahay at dibdibin ang paghihiwalay nila ni Paolo, magpakaligaya siya at muling magbuhay-dalaga.

At dapat daw ay panindigan niya ang sinabi niyang hindi na siya makikipag-usap muli kay Paolo dahil baka lumambot pa ang puso niya at biglang makipagbalikan sa aktor.

“Ayoko siyang makausap. Kinat (cut) ko ‘yung line. Hindi ko na siya kinausap. Parang natatakot ako kausapin siya. Kasi parang pakiramdam ko, totoo ‘yung sinasabi niya sa akin.

“Pero marami kasi ako nalaman na ‘di totoo. Natatakot ako na, I’m sorry if I’m gonna use this word, natatakot ako na ma-manipulate ‘yung alam ko ngayon na facts,” aniya sa panayam ni Boy Abunda.

Ngunit may mga nagpayo naman kay LJ na hindi niya pwedeng tuluyang putulin ang komunikasyon nila ni Paolo dahil may anak sila. Karapatan din daw ng aktor na makasama si Summer at gampanan ang pagiging ama niya sa bata.

Sa ngayon ay wala pang kongkretong plano si LJ kung ano ang susunod niyang gagawin sa buhay nilang mag-iina.

Ie-enjoy niya muna ang pagbabakasyon sa New York kasama ang dalawang anak at ang nanay niyang overseas Filipino worker. Doon din daw niya ire-“rebuild” ang sarili para maka-recover “emotionally and mentally.”

“I have the option to migrate here, I will sacrifice my career and whatever I have. I have no concrete plan. But it’s all about the kids. It all boils down to them,” aniya pa.

Dedma rin siya sa paghingi ng sorry ni Paolo sa kanya kasabay ng pangakong gagawin niya ang lahat para mas maging mabuting tao at mas maging responsable sa buhay.

“To LJ, I’m very sorry. For everything. Sa lahat-lahat. I will work on making myself a better person and learning from this.

“But for now, please respect our privacy and pray for us. Ngayon kung hindi pa po kayo pagod, please direct all your hate and bashings at me. No one else deserves it, ako lang. Thank you,” ang bahagi ng mensahe ni Paolo sa dating partner.

TAGS: LJ Reyes, New York Fashion Week, Paolo Contis
Latest Stories
Most Read

Subscribe to our regional newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.