Life! Showbitz

Katrina Halili ayaw nang magpakasal at magka-baby; umaming BFF ni John Lloyd ang bagong dyowa

Katrina Halili ayaw nang magpakasal at magka-baby; umaming BFF ni John Lloyd ang bagong dyowa

MATALIK na kaibigan ni John Lloyd Cruz ang boyfriend ngayon ng Kapuso actress at magaling na kontrabida na si Katrina Halili.

Yan ang inamin ni Kat sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda” nang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang personal na buhay kabilang na nga ang lovelife.

Ayon kay Katrina, non-showbiz ang dyowa niya ngayon at best friend daw ito ni John Lloyd. Ngunit mukhang ayaw muna niyang ipangalandakan sa publiko ang tungkol sa naturang guy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili)

 

Nabanggit din ng Kapuso star na kahit may boyfriend siya ngayon ay wala na siyang planong magpakasal at magkaanak.

Okay na raw sa kanya ang pagkakaroon ng 8-year-old daughter – si Katie Lawrence, na anak niya sa dating partner na si Kris Lawrence.

Sey ng aktres, bukod sa kanyang dyowa, naka-focus ang kanyang panahon ngayon sa pagpapalaki at pag-aalaga kay Katie at sa alaga niyang mga ibon.

“Wala, ayoko na (mag-asawa). Puro birds ako ngayon, birds ang alaga ko. Ayoko na ring magka-baby, hindi ko kaya, mahirap. Saludo na lang ako sa maraming baby,” pag-amin ni Kat.

“Okay na ako, okay na po. Happy na ako. Lovelife na lang (huwag nang pakasal),” aniya pa.

Kuwento pa ni Katrina, magkasundo naman ang boyfriend niya at ang anak na si Katie kaya wala siyang isyu o problema.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili)

 

“Mas more on kasama niya (si Katie) yung boyfriend ko. Yung boyfriend ko yung mas nagga-guide sa akin para alagaan yung anak ko.

“Siya yung mas nagtuturo sa akin, kasi stubborn ako, di ba? Stubborn din yung anak ko. So, medyo mahirap kaming dalawa. Minsan nawawalan ako ng pasensiya, siya yung mas kalmado.

“Tinutulungan niya ako talaga. Siya yung mag-uusap, siya yung kakausapin ako, kakausapin niya yung anak ko,” paliwanag pa ng aktres.

Pagbabahagi pa ni Katrina, “Ako gusto ko kasi companion, yun talaga yung hinahanap ko. Noong eight years na sinabi ko na, ‘Magbo-boyfriend ako.’

“Gusto kong hanapin yung makakasundo ko, yung parang kaibigan ko, yung makakasama ko hanggang pagtanda ko, yung companion, ganyan,” chika pa ni Kat.

RELATED STORIES

Pamilya ni Ellen hindi raw boto kay John Lloyd kaya naghiwalay; JLC may binayarang P20-M kay Katrina?

GMA Christmas Special: ‘The Magic of Christmas’

TAGS: best friend, boy abunda, John Lloyd Cruz, Kapuso, Katrina Halili, lovelife, Showbiz news
Latest Stories
Most Read